Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 6:12
Forgive us our debts, as we also have forgiven our debtors.

Isang mahalagang katangian ng taong mapayapa ang karunungang magpatawad. Sapagkat ang taong nagkikimkim ng galit at nagtatanim ng sama ng loob, hindi kapayapaan ang inaani kundi gulo – gulo ng isip, ng espiritu at ng emosyon.

Dalawa lang naman ang choice mo para sumaya ka. May nagkasala sayo, awayin mo. Pero kung hindi mo naman kayang awayin dahil takot ka sa batas, patawarin mo. Hindi yung – hindi mo kayang awayin, hindi mo naman pinapatawad, nasa gitna ka – litung-lito ang bawat bahagi ng iyong pagkatao. Kaya ka naguguluhan. Patawarin mo na at nang matapos. Kasi hindi naman titigil sa paggawa ng mali ang mga taong nakapaligid sayo. I-delete na lang ang listahan ng pagkakasala ng iba.

Kung ang kapayapaan mo lang ay yung walang ginagawang masama sayo ang tao, hindi mangyayari yun. Dahil ang daming taong gagawa sayo ng mali. Para makalaya ka, kailangan may gagawin ka pang iba. Dapat ay matutuhan mo yung attitude na, “Ay, kahit anong gawin mo, patatawarin kita.” O di tahimik ang buhay mo.

Mahirap talagang magpatawad. Pero di ba mahirap din ang hindi magpatawad? Pareho rin lang mahirap, gawin mo na yung hirap na ikinalulugod ng Dios. Sundin ang utos nya dahil siguradong yun ang mas tama. Kung hirap din lang at hirap, doon ka na sa kalooban ng Dios. At kung hindi ka pa nananalig, sundin mo na lang. Malalaman mo ring tama pala pag sinunod mo na.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.