Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 John 4:11
Dear friends, since God so loved us, we also ought to love one another.

Since God loves you so much, you should also love other people that God loves as well. Kung mahal ka ng Dios, di mahal din nya ang malapit sayo, yung malayu-layo, yung hindi mo gustong tao. Mahal din siguro nya pati kaaway mo. Ano ang ibig sabihin nito? Kung ang Dios ay mapagmahal at ginawa ang lahat para mahalin ang tao, may pananagutan din tayong maging mapagmahal sa isa’t isa. We must pass love on.

Everybody is important. Mamuhay tayo at mag-aral tayong mamuhay nang may pagpapahalaga sa kapwa. May pagpapahalaga sa kanilang oras at damdamin. Hindi yung ini-impose ang gusto natin para lumuwag ang ating loob pero sumikip naman ang loob ng iba. May mga taong selfish. Magawa lang ang kanilang kagustuhan hindi bale nang mabigo ang iba. So, let us graduate to the highest form of spirituality. Treat other people the way God treats them and the way God would treat them. Dapat lumampas na tayo sa sobrang, “I, me, myself.”

May mga taong sobrang mapagmahal sa iba pero wala na silang itinitira sa sarili. Nagpapakamartir kahit hindi kailangan. Nagiging unfaithful ka rin sa Dios kung hindi mo minamahal ang sarili. Maraming mga tao na sa paghahabol ng pag-ibig ay nagkakawala-wala na ang dignity masunod lang ang pintig ng puso. May panahong dapat tinitimpi yan para maigalang natin ang ating mga sarili at maturuan natin ang iba na igalang tayo. Mahalin ang iba—ang kapwa. Pero mahalin din ang sarili. Dapat parehong mahal.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.