Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Hebrews 5:14

Solid food is for mature people who have been trained to know right from wrong.

Dapat na tayong gumraduate mula sa gatas at mapunta na tayo sa karne. Dapat na tayong gumraduate from a soft spiritual diet to solid food. Yung mga mahirap pag-aralan at hindi ganoon kadaling unawain o lunukin ay makaya nating harapin dahil nagsisikap tayong paasensuhin ang ating spiritual awareness to go beyond the basics.

Very frustrating yung aral ka nang aral ng salita ng Dios na kung saan-saan na nakarating ang iyong diwa sa pag-aaral ng mga bagay na lampas-lampas sa basics ‘tapos maoobliga kang ibaba nang ibaba ang level ng pagtuturo mo dahil yun lang ang kayang abutin ng nakikinig. Kaya dapat pinipilit ng bawat member sa church na umasenso nang umasenso ang kanyang pagkakaalam at nang sa ganoon hindi kailangang laging salubungin at ibaba ang standard para lang maabot nung forever na lang na nasa basics.

Sabi sa Bible, dapat kumakain na kayo ng karne. Hindi, gatá pa rin ng niyog ang ibibigay sa inyo kasi hindi kayo nagsisikap na umunlad. Hindi nyo kayang makapakinig ng mga nakakaligalig o nakakagulo. Hindi ninyo kayang makinig ng nakaka-challenge sa mga dati na ninyong paniniwala. Hindi na kayo kayang mapagalitan o ituwid dahil sobra kayong sensitive at maninipis.

Napakahalagang umaasenso ang ating espirituwalidad. Yung alam natin ten, fifteen, twenty years ago, dapat nade-deconstruct o umaasenso na sa isang mataas na uri ng pagkaunawa sapagkat napakataas ng Espiritu ng Dios. Hindi dapat lagi kang nasa ibaba dahil marami kang hindi mararating. Dapat umaasenso ang mga anak ng Dios.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: