Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 23:17

Don’t be jealous of sinners, but always honor the LORD.

Hindi dapat na kinaiinggitan ang mga masasamang-loob. Hindi dapat na pinamamarisan ang kanilang mga maling gawa. Do not envy wrongdoers. Kahit obvious namang sabihing, “Siempre!” madalas pa rin tayong nalilibang at natutukso na mainggit sa mga biglang yumayaman kahit mali ang paraan ng kanilang pagyaman. Naiinggit tayo dun sa mga gumagawa ng shortcuts para magkaroon sila ng instant rewards at gratification. Naiinggit tayo sa mga nandaraya na sila pang napo-promote sa pwesto o kaya ay nagiging topnotcher sa mga exams.

But the Bible says, “Don’t be jealous of sinners.” Alam ng Dios kung sino ang gumagawa ng mali at alam nya how to deal with them. Bakit, alam ba natin kung napaparusahan na pala ng Dios yung gumagawa ng mali? Maaaring sa pang-ibabaw na akala natin, tunay na ang sarap-sarap ng buhay nila, pero hindi naman natin nakikita na may mga kaparusahan nang nangyayari.

Minsan nga, iniisip natin dehadong-dehado tayo dahil tayo yung gumagawa ng tama. Pero hindi natin napapansin na ang dami palang blessings ang ibinibigay sa atin ng Dios. Limitado kasi ang pananaw nating mga tao. Kadalasan ang nakikita lang natin ay yung tinititigan natin at yung gusto nating makita. Kapag Dios na ang nagsabi na huwag tayong maiinggit sa mga gumagawa ng masama, manalig tayo. Kahit sinasabi ng isip, puso, at karanasan natin na kainggit-inggit sila, huwag tayong matukso minsan man na managhili sa kanila.

Sa bandang huli, sasaatin ang kapayapaan kung ilalagay sa Dios ang pagtitiwala.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.



Send Your Love Gifts in Pesos



Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.