Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 5:15
You should be faithful to your wife, just as you take water from your own well.

Kung mayroong problema between husband and wife, hindi solusyon yung maghanap ng panibagong ka-partner. Kung hindi ka masaya, gumawa ka ng saya. Kung hindi maganda ang samahan nyo, pagandahin mo. Pero yung kukuha ka na naman ng panibago, hindi yun solusyon. Napaka-unfair para sa mga misis na malalaman na lang nilang high school na pala yung anak ng asawa nila sa ibang babae. Saka nila mare-recall ngayon yung mga panahong wala kayo sa tabi nila. Yung Holy Week na wala ka at sinabi mong may trabaho ka. Yung Pasko na bigla kang nawala. Parang multo ngayon yan na napakahirap dalhin. Kasi laging maiisip ng misis yung panahong siya ay dinaya at patuloy pang dinadaya. “Sa iyo naman ako umuuwi e. Sa iyo naman napupunta ang sweldo ko.” Kahit pa. “Sa iyo naman ako umuuwi pag Noche Buena at Media Noche.” Oo nga. Pero kahit isang araw lang sa loob ng isang taon na pinagtataksilan nyo ang asawa nyo, ang ibig sabihin nun mas pinahalagahan nyo yung kapartner nyo sa pagtataksil.

At minsan, yung feeling of betrayal cannot be understood by the men. Kahit sandali ka lang na nawawala, biruin mo dinadaya mo ang asawa mo para dun sa isa. Paano pa kung nagkaroon ng bunga ang pagtataksil?

Salamat na lang at our Lord is a God of second chances. Kung saan tayo nalubog, lumulusong siya para tayo iahon. Tinutulungan tayong magampanan maging ang pananagutan natin sa mga pagkakamali. Kaya nga, mahalaga sa mga mag-asawa na laging maging tapat sa kanilang mga sinumpaan.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.