Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 19:15

If you are lazy and sleep your time away, you will starve.

Isa sa pinakamalaking kapintasan ay ang matawag na tamad at batugan. Maging ang Dios ay masasakit na salita ang ibinabato sa mga taong tamad. At nakapanlulumong napakaraming miembro ng ating pamilya ang tamad. Gustung-gustong magkaroon ng Nike, pero ayaw magtrabaho. Hiling nang hiling doon sa ate na nagtatrabaho bilang kasambahay sa Hong Kong. Di na naawa. Gasgas na ang kamay ng ate sa kalilinis ng kotse ng mga Tsino dun, eto namang mga kapatid at anak dito, porma nang porma sa mall. May mga teenagers na ang aarte at ang hahaba ng mga kuko, kaya ni hindi na makapagsaing. Paiba-iba pa ng kulay ng buhok. Hindi na marunong mahabag dun sa nagpapakahirap magtrabaho. Laging naiinggit sa iba at naghihimutok. Yung iba, wala na ngang hanapbuhay, miserable na, nagda-drugs pa!

Dapat tinutulungan natin ang mga kumikita, hindi yung gasta na lang nang gasta ng pinaghirapan nila. Hindi pa nga alam kung kailan darating ang remittance, naipangako na sa Bumbay! Ipambabayad lang sa mga kung ano’ng luho yung kikitain pa lang ng mga taong nagpapakaalipin kung saan-saan.

Kung gusto nating magpasasa, gusto nyong pumorma, gumawa kayo ng paraan. Magtrabaho kayo. Magnegosyo kayo. Kayong mga kabataan, bumili kayo ng isang kahong Chocnut sa umaga, itinda nyo sa school, sa hapon may tubo na kayo. Hindi yung puro paggasta na lang ang iniisip.

Malaking kasalanan ang katamaran. Hindi kinukunsinti ng Dios ang mga tamad. Nakakasira yan sa lipunan, sa buhay, at siempre, sa sarili.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.



Send Your Love Gifts in Pesos



Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.