Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

2 Thessalonians 3:10
For even when we were with you, we gave you this rule: “If a man will not work, he shall not eat.”

May mga taong ang hilig mangutang kahit hindi kailangan kasi nakasanayan na. Pinalaki siguro ng magulang sa pangungutang, nakita ang way of life ng pangungutang kaya sanay na sanay mangutang. Bagong suweldo pero pag kumuha sa tindahan ng sardinas, ipalilista kahit puedeng magbayad. “Hayaan mo, nagpapautang naman dyan.” Out of habit. Ang gusto ay laging may pera sa bulsa kaya ayaw magbayad at utang nang utang. Nagkakabaun-baon at nagkakalubug-lubog ang buhay, kasi mahilig mangutang. Kung nangungutang tayo out of habit let us forge that habit. Kung nakasanayan, tanggallin. Bakit habit mangutang, umasa, magpalusot? Hindi dapat.

Do not lend to borrowers whose intentions are mentioned above. Kaya kung makikiusap na naman sa inyo at gusto kayong i-blackmail with Matthew 5:42, sabihin nyo naman, “Remember 2 Thessalonians 3:10?” Kung ayaw nyang magtrabaho hayaan nyo siyang manigas sa gutom. Christian charity does not mean na tayo ay maging kunsintidor. God’s kindness is not meant to tolerate mistakes but to change people. If it is to be a painful process, so be it.

Hindi tayo dapat maging kasangkapan para ang mga tao ay patuloy na maging tamad at patuloy na iprenda ang kaluluwa nila para maka-enjoy lang nang konti. Help must be given only to those who work and do their best. Or to those who are really incapacitated to work.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.