Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Isaiah 45:9
“Woe to him who quarrels with his Maker…Does the clay say to the potter, ‘What are you making?’ Does your work say, ‘He has no hands’?”

Nakapanood na ba kayo ng gumagawa ng palayok o ng ceramics? May isang kapirasong putik na nakapatong sa ikot nang ikot na makina. Padyak naman nang padyak yung potter para umikot at mabigyan nya ng shape yung clay. Pero yung clay kung sobra siyang malambot o sobra siyang basa, o sobra siyang matigas o ayaw nyang sumunod sa kamay nung gumagawa, hindi mangyayari ang dapat mangyari. Kailangan may cooperation.

Para tayo yung clay. At ang Panginoon naman ang potter. Puede bang sabihin ng putik, “O, anong ginagawa mo sa akin? Bakit ganyan? Lagyan ninyo ako ng tangkay. Ayoko ng ganyang korte”? E, siya naman yung potter, tayo ang clay. Malay ba natin kung ano talaga ang maganda.

Alam ng Dios ang lahat kaya dapat na pinapayagan natin ang Dios na kumilos. Hindi tayo dapat makipagtunggali sa kanya. Kapag sinabi nyang babaan mo ang pride mo, ibaba mo.

“Baka malugi naman ako?”

“Bakit?”

“Kasi…magmumukha naman akong api.”

Sabi nya tanggalin yan, e di tanggalin! Sinabi na ng Dios, “O, do not make any images.” Kung anu-ano pa ang ginagawang dahilan. “Hindi ko naman dinadasalan e, dekorasyon lang.” No! Sinabi na ngang huwag e, titigasan pa ang ulo.

Kung Dios lang talaga ang nasusunod, e di kasalanan nya kung may masamang nangyayari sa atin. Bakit may masamang nangyayari? Kasi hindi naman siya lagi ang nasusunod. Madalas tayo ang nasusunod.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.