Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Mark 12:42-43

Finally, a poor widow came up and put in two coins that were worth only a few pennies. Jesus told his disciples…”I tell you that this poor widow has put in more than all the others.”

Ugali ng mga tao noong araw na lumalapit doon sa hulugan ng offering. At nang pumila at naghulog yung mayayaman, ang lalakas ng tunog kasi ang bibigat ng mga silver at gold coins. Nang naghulog ang isang babaeng balo halos hindi mo narinig dahil ang nipis-nipis ng baryang inihulog nya roon. Nanonood pala ang Panginoong Hesus at kinukwenta nya yung mga inihuhulog ng mga tao. Tinawag nya yung kanyang mga alagad at sinabi nya, “Tingnan nyo, ang pinakamalaking donor ay yang babaeng yan.” Siempre kataka-taka, kay liit-liit ng hinulog na halaga. Sabi nya, “Naghulog man ng marami yung iba, ang dami pa rin namang natira sa kanila so hindi yun nakaka-impress. Pero siya, hinulog nya lahat. Yan ang tunay na pinakamalaking naglagay.” Hindi binibilang ang halaga kung hindi gaano ka ba nasaktan nung ibinigay mo yun. Talagang indang-inda.

Alam na alam nating sobrang makamahirap si Hesus, bakit hindi na lang nya pinigil yung babaeng balo? “Sister, huwag ka na lang maglagay d’yan. Hindi yan makakabili ng bubong o ng poste, sa iyo na. Hayaan mo na lang yung mayayaman.” Because Jesus knew that whatever you give to God, God will give to you many times over and you cannot outgive God. Kaya ang sabi nya, ang solusyon sa iyong kahirapan ay magbigay. Dahil nag-iinvest ka sa gawain ng Panginoon, paanong hindi ka pagpapalain? So hindi solusyon ang exempted ka na lang kasi mahirap ka.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: