Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Acts 16:30-31
After he had led them out of the jail, he asked, “What must I do to be saved?” They replied, “Have faith in the Lord Jesus and you will be saved! This is also true for everyone who lives in your home.”

When a person believes, he is made holy and perfect through the sacrifice of Jesus. Just believe. Hindi sinabing mag-donate, mag-sacrifice, be holy, perfect, and sinless. Kung may utang ka at binayaran ng iyong ama, may utang ka pa ba? Wala na. Yung utang natin sa Dios, binayaran ng Panginoong Hesus kaya nawalan tayo ng utang. Nagiging banal pa tayo sa paningin ng langit. Yung hindi nananamplataya kay Jesus, yung hindi nagpapaligtas sa kanya, sino ang magbabayad ng mga utang nila? Sila! Kasi wala silang tagapagbayad at tagapagligtas. Lahat ng tumanggap kay Hesus at nanalig sa kanya ay binigyan ng karapatang maging anak ng Dios.

Dalawang daan ang maghahatid sa atin sa kaligtasan. Yung una is to try it yourself. But no matter how hard you try, you will keep failing. Yung iba, ang ginagawang hagdan paakyat sa langit ay ang pagsunod sa Sampung Utos. Ang hindi nila alam, hindi sila kayang dalhin nito sa harapan ng Dios kasi walang sinumang nakakayang sundin ang mga kautusan sa habang panahon. The other one is to let Jesus be your Savior. Para kang sumakay sa elevator derecho sa langit dahil si Hesus na ang naging daan. Kapag tayo ay nananalig sa Panginoong Hesus, hindi lang tayo napapatawad kundi binibigyan pa tayo ng katuwiran.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.