Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 11:13
A gossip betrays a confidence, but a trustworthy man keeps a secret.

Isang napakahamak na pag-iisip at ugali yung magkaibigan kayo ngayon, maganda ang samahan nyo, magka-vibes kayo, at may mga isiniwalat siyang sikreto sayo, tapos, bukas nagkasamaan kayo ng loob, nagalit ka at nag-away kayo at lahat ng sikreto nya ibubulgar mo. This kind of character is the lowest form of life.

Kung tunay kang tao, whatever is shared to you in confidence and in good faith must be respected though you are no longer friends. Kasi, kung hindi kayo magkapalagayang-loob, at hindi maganda ang inyong samahan, hindi naman nya sasabihin yan sayo. Kaya dapat biglang paggalang mo na lang dun sa magandang panahon na kayo’y nagkakasundo, hindi mo dapat i-violate ang trust nya nun.

Ngayon kung magkaaway na kayo at may mga bagay ka pang nalaman, although hindi pa rin magandang sabihin, yun lang siguro ang puede pang matanggap. But not the things that were shared in good faith. We must cherish and respect the sacredness of a good relationship or friendship, even if you are no longer friends. Dyan natin nasusukat kung anong uri ng tao ang ating kausap.

Ang pamumuhay ay hindi lang dapat buhay ka. Dapat maging tunay na tao ka rin. Kaya sabi ng matatanda, madaling maging tao, mahirap magpakatao. Ang tunay na tao, gumagalang sa sacredness of trust.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.