Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 6:3

You may live a long life and have a hundred children. But a child born dead is better off than you, unless you enjoy life and have a decent burial.

Are you in love with life? Nagigising ba kayo sa umaga at sasabihin nyong, “I love my life”? You should love life. Napakahalaga na ang buhay natin ay minamahal at pinapaganda. Do not hate life. Do not dislike and demean life. Do not be rude to life. May buhay ang buhay. Kung tayo ay magaspang sa kanya, dinaramdam nya yun. Kung pinababayaan natin at hindi pinapansin, iniinda nya yun. So, we romance life. Kahit hanggang sa dulo, dapat pinaghahandaan ang libing bilang paggalang maging dun sa katawan na iiwan mo sa mundo. Kailangang inaayos at binibigyan ng dignidad ang buhay. Kung paano uupo, kung paano ginugupit ang buhok, kung paano ipinapatong ang bag.

Kaya nga maganda yung panalangin na, “Turuan nyo po ako, Panginoon, na bigyan ng katuturan ang bawat araw ng buhay ko.” May kapitbahay kang pagkaraan ng limang taon ay umaani na ng atis dahil nagtanim siya ng atis five years ago. Ikaw, titingin-tingin ka lang sa mga bunga ng atis nya.

Love life by not wasting and getting the most out of time. Pare-pareho tayong dadaanan ng lima, sampu, labinlima, dalawampung taon. Pero may nangyayari ba sa mga taon na dumadaan sa ating buhay? Nadadagdagan ba tayo ng kaalaman at karunungan? Mas bumubuti ba ang ating puso? Mas bumabait ba tayo? When we love life, life will love us back.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: