Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 64:1

Listen to my concerns, God, and protect me from my terrible enemies.

         Isa sa mga paulit-ulit na tema, lalo na sa Psalms, ay yung panalangin sa Dios na ipagtanggol at ipaadya yung nananalangin mula sa mga kalaban at sa mga masasamang tao na nais kumitil ng buhay at magbigay ng panganib. It is a very valid prayer to ask the Lord to protect us. Life must be protected from threats and death.

         When King Saul wanted to kill David because he was threatened by David’s anointing from the Lord, humingi ng tulong si David sa kaibigang si Jonathan at nagtago siya sa mga bukid. Hindi wise na harapin mo ang apoy, bala, at kamatayan kung puede mo naman itong iwasan. Do not needlessly put your life in danger and at risk by commissioning something that endangers your life or by omitting to do something that can protect it. Maraming sports at libangan ang hindi necessary dahil life-threatening. Bakit kailangang gawin ang buhay na parang taya sa isang sugal na puedeng maglaho sa isang saglit lamang? We’ve got to protect the gift of life.

         Kung minsan nalilimutan kasi natin that we needlessly put our lives at peril. Laging nagpapaputok ng mga firecrackers ang mga tao tuwing Bagong Taon kahit alam nilang mapanganib. Hindi nagda-diet sa mga bawal na pagkain dahil hindi mapigilan ang katakawan. Hindi nagpapa-medical checkup regularly kahit na mayroon namang pang-checkup. Laging pinapaurong-sulong at nine-neglect kaya lalong lumalala ang mga sakit. Bakit natin pinag-uusapan ang ganitong bagay? Kasi, ang paalala daw ay gamot sa mga taong nakalilimot. Dapat nating pangalagaan ang buhay.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: