Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Hebrews 9:27

We die only once, and then we are judged.

Hindi tayo sure sa napakaraming bagay na nangyayari at mangyayari pa sa mga planeta, pero may isang bagay tayong siguradong mangyayari: Mamamatay tayong lahat at haharap tayo sa Dios. Kaya mahalagang pinaghahandaan natin ang bagay na ito. Paano?

Makipagkasundo sa Dios. Hindi tayo maaaring mabuhay lang ng para sa sarili. Bagama’t binibigyang laya tayo ng Panginoon na gawin ang mga bagay na magdudulot sa atin ng pleasure at enjoyment, hindi natin nililimot na magbibigay tayo ng accounting sa lahat ng mga bagay na ginawa natin sa buhay na ito.

At kahit pa nga tayo ang may atraso sa kanya, siya pa ang nauunang makipagkasundo sa atin. Sobra naman kung hindi pa natin aabutin ang kamay nya. Dito lang sa buhay na ito tayo may pagkakataong makipag-ayos sa kanya, tanggapin siya sa buhay natin, gawin siyang Tagapagligtas natin, at sundin siya bilang Panginoon ng buhay natin. Wala tayong dapat sinasayang na panahon.

We have to make peace with God. Banggain na natin ang lahat, suwayin na ang lahat, kalimutan na ang lahat, huwag lang ang Dios. Yan ang pinakalamaking pagkakamali na puede nating magawa. Kung para lang sa cheap thrills at konting saya, sasalungatin natin ang Dios, napakalaking pagdurusa nun. Lugi tayo dun. When we are at peace with God, we are at peace with ourselves, and all else follows. Kahit awayin pa tayo ng mundo, kakampi naman natin ang Dios. Nakasandal tayo, hindi lang sa pader, kundi sa Dios.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.