Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

John 3:36
Everyone who has faith in the Son has eternal life. But no one who rejects him will ever share in that life, and God will be angry with them forever.

Marami ang nagsasabi na pare-pareho lang ang relihiyon, sa Dios din ang ending. Parang yung pagpunta sa Quiapo. Iba-iba ang daan, doon din ang wakas. But the truth is, whoever does not take Jesus as his only way to God will never find God no matter how religious, kind, or honest that person is. Our best deeds are not good enough to earn us a ticket to heaven.

Kaya ang isang tanong na dapat laging inuulit-ulit para ma-review ay ito: Nakalista na ba ang pangalan natin sa Aklat ng Buhay? Pag namatay na ang tao, paghuhukom agad. Hindi na puedeng magpalakad na parang nasa City Hall dahil patay ka na e. Kailangang magpalista tayo habang buhay pa. Hindi puedeng ipalista ng iba dahil personal ito. Hindi na puedeng ipinapanalangin pa at ihinihingi ng tawad kung kani-kanino. Dapat habang buhay tayo, humingi tayo ng tawad, tanggapin natin si Hesus sa buhay natin at nang sa ganun, tayo ay malilista. Bakit kung kailan namatay na ay saka pa ipagdarasal ng ibang tao? E papaano kung isang buong pamilya ang lumubog sa barko at walang magdarasal for them?

Kaya mahalaga ang ating desisyon habang tayo’y nabubuhay. At kung sakali mang nakagawa na tayo ng desisyong pansarili na isuko ang buhay sa Panginoon, ito naman ang tanong: Kumusta naman ang inyong mga mahal sa buhay? Ligtas na ba sila? Are their names already in the Book of Life? If not, you have a mission.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.