Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Song of Songs 1:9

You move as gracefully as the pony that leads the chariot of the king.

Here in this sacred song, the man likens his lover to a female horse of breeding age. Animals that reach breeding age become very attractive and they become attracted also to their kind. Naghahanap din sila ng makaka-partner. So ano ang nakikita dito ng lalaki na attractive traits ng babae? Strength, grace, beauty, and readiness for breeding, which is a very important biological reality. Therefore, if you want to look attractive, be strong, graceful, healthy, swift, and efficient like a horse. At least, have some, if you cannot have all, of these qualities. Napakahalaga ang manatiling attractive.

Iisa ang mapapansin mong tema ng mga love songs kahit noong 1950: “Pinagtaksilan mo ako, kawawa naman ako.” Why? Because people are weak when it comes to attraction. Do you want to minimize infidelity? Be attractive to your spouse and continue to be attractive. Nagkakaroon ng pagliko ng landas o pagtataksil kasi couples stop being attractive to each other. Hindi na nagsusuklay, hindi na nag-aayos, uuwi na amoy kinurat. Yun yung suka na pagkaanghang-anghang at pagkaasim-asim. Sa sawsawan lang masarap yung amoy na yun. Sa tao, hindi.

Mahirap kung minsan, nakalambitin ka sa bus o sa MRT, dadaan ka pa sa talipapa, mamalengke ka pa, pero gumawa ka ng paraan. Kasi kung minsan lahat ng kabayanihan mo nawawalan ng halaga kung hindi ka na attractive. Nasisira yung lahat ng ipinupundar kasi biglang may dumaang mabango, napalingon ang isa at sumunod, nawasak ang iyong tahanan. Kaya, mag-exercise para maging masigla at malusog na rin. That is part of marital romance.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.