Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 3:12-13

I know the best thing we can do is to always enjoy life, because God’s gift to us is the happiness we get from our food and drink and from the work we do.

Walang nilikha ang Dios na ang kanyang iniisip ay pahirapan. Maganda ang plano ng Dios para sa atin pero kailangan tayong mag-cooperate, kailangan nating gawin ang tama. Hindi ikinalulugod ng Dios na nagsasakripisyo tayo. May sakripisyong kailangan, halimbawa, yung magulang nagsasakripisyo ng pagkain nya para makapag-aral ang anak. Pero para patayin mo yung sarili mo para makapag-aral yung anak mo, sobra na yun.

Every human life has a basic dignity that its possessor must take care of and not unduly sacrifice for the sake of another. Liban na lang sa mga emergency situation, katulad ng digmaan kung saan hinarang mo ang bala para maligtas ang iyong asawa. Baka puede pa yun. Pero bihira naman ang ganung mga cases. Huwag sobrang magpakamartir dahil baka maling kabayanihan na yan.

Maraming kabataan ang nagpapakamatay para lang malagay sila sa internet. Kasi may obituary ngayon sa internet ng mga nagpapakamatay. Sa kagustuhan ng iba na sumikat, yun na lang ang paraan nila para sumikat kaya nagpapakamatay. Pero kung patay ka na, malalaman mo pa ba na nalagay ka dun? Kaya yung ganun ding uri ng pagpapaka-star ay walang lugar. Sandali ka lang nandun, kasi mamaya may bago na namang nagpakamatay, napalitan ka na.

Mahalin ang buhay. Napakaganda ng ating salita d’yan sa Tagalog: Mabuhay! Ang daming ibig sabihin nun. Live. Get a life. Kung matamlay ka, buhayin mo ang sarili. Sapagkat ang Dios ay Buhay.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: