Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Hebrews 13:17a (NIV)

Obey your leaders and do what they say. They are watching over you, and they must answer to God…

May awkwardness yung mga bagong yaman, the so-called “nouveau rich.” Galit na galit sa pera, hindi malaman kung paano idi-display yung kanyang yaman, halatang-halata tuloy. Ganun din ang mga bagong sikat, bagong graduate, bagong pasa, akala nila alam na nila ang lahat. Kung bago tayo in anything, dapat mag-ingat tayo. Kaya rin nating mang-inis at manira sa kapwa. Parents and elders can damage their children. Employers can damage their employees. Officials can damage the people they lead. Superiors can damage their subordinates.

Kung sa tingin mo, ikaw ay tama, lalo kang mag-ingat sa paggamit ng kapangyarihan, kasi nga tama ka. Tama rin dapat ang pamamaraan mo. Tama ka nga, mali naman ang pamamaraan mo, nabura na yung pagiging tama mo. Then you forfeit your right to pontificate, even to teach because now you have leveled with somebody who was wrong. Ang pinagkaiba, nauna siya pero sumunod ka. People should use their delegated powers to share, not to curse, maul, or destroy. They should learn to be godly in the way they use power, never to abuse it dahil pinahiram lang sa kanila ito ng Dios.

Kayong may tendency maging parang bata, lalo’t wala kayong kapangyarihan, behave. Empleyado kayo, behave. Pinapaswelduhan lang kayo d’yan, huwag na lang kayo magyabang. Bata ka, wala ka pa namang income, behave when it comes to your relationship with your parents. Pag wala kang kapangyarihan, dapat kang mag-behave. Pag may kapangyarihan ka, lalo kang dapat mag-behave. Nobody’s exempted from good behavior.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.