Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Timothy 6:8
But if we have food and clothing, we will be content with that.

Lagi ka bang broke o walang pera? Bakit ka kaya laging kapos? When you always don’t have enough, ask yourself these questions:

  1. Do I really need more? Talaga bang kailangan ko pa? O baka naman dahil wala lang akong kasiyahan at akala ko ay kailangan ko pa kahit hindi naman pala.
  2. Is God testing my faith? Baka naman sinusubok ako ng Panginoon, nadispalko ko ang katakut-takot na ipinagkatiwala sakin ng Dios kaya ngayon grounded ako at dinidisiplina. Hindi pala ito trial. Palo.
  3. Did I violate biblical principles? Saksakan ba ako ng kuripot? Meron daw habang nagsasabog ay lalong nakaiipon. Meron namang habang pagkasikip-sikip at ipon nang ipon ay lalong nawawalan. Ayaw ng Dios ng makunat. You keep only what you correctly give away.
  4. Am I hasty? Hindi ba ako nag-iisip bago bumili? Bili lang nang bili?
  5. Do I have a disciplined spiritual life? Ang karukhaan at kahihiyan ay darating sa taong walang disiplina.
  6. Am I lazy? Imposible tayong magutom sa ating bayan kung tayo ay masipag. Marami ang nagugutom dahil tamad at mayabang. Ayaw makita ng kapwa na nagpapasada ng tricycle, ayaw makita na nagtitinda ng mais sa kanto. Mas gusto pang umaasa sa iba, pautang-utang sa kapwa. Nagiging pabigat. Mas kahiya-hiya.
  7. Do I live excessively? Ang sobrang masiba, palainom at walang tigil mag-enjoy sa buhay, magiging mahirap.
  8. Do I have idle thoughts? Iniisip ko ba kung paano pabagsakin ang tindahan sa kanto para tindahan ko na lang ang matira? Mahilig ba akong mag-isip ng ikakasama ng kapwa ko?
Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.