Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 10:16
I am sending you out like sheep among wolves. Therefore be as shrewd as snakes and as innocent as doves.

Huwag kayong lubos na mapagtiwala. Kasi maraming sumasali sa atin, nakiki-brother, nakiki-sister, yun pala hinuhuli lang ang loob natin para pagsamantalahan tayo later. Hindi komo nasa church tayo, kampante na ang kalooban natin. Sa grupo nga ng Lord may Hudas, di ba?

Yung iba naman sobrang magtiwala. Pupunta sa banyo, ilalapag ang bag kung saan, suklay nang suklay, tingin nang tingin sa kanyang mga nunal, nakuha na pala yung laman ng bag nya. Alam nyo naman ang mga mandaraya, itatabi nila ang bag nila sa bag nyo, kaya sa malayo akala nyo yung bag nila ang kinakalikot nila, pero yung bag ninyo na pala. Kaya dapat tayong maging wise.

Meron pa ngang iba na ginagawang negosyo ang paghuhulog sa buslo during offering. Mag-iipit sila ng twenty pesos sa isang daliri, kunwari’y ihuhulog sa buslo ang kamay, pero pag-angat nito may nakadikit nang mas malaking halaga sa mga daliri nila. Kahit nananalangin ka nang taimtim, huwag mo pinapayagang napagsasamantalahan ka ng iba.

Maraming nagsasamantala sa loob ng church, kaya dapat lang na tayong mga anak ng Dios ay laging gising ang utak.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.