Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 6:12

Life is short and meaningless, and it fades away like a shadow. Who knows what is best for us? Who knows what will happen after we are gone?

So much can happen in a lifetime. Maiksi ang buhay subalit mahaba ito para gawin ang napakaraming bagay. Magplano na parang mabubuhay nang napakatagal pero mamuhay na parang bawat araw ay katapusan na. Bago matapos ang isang araw, kung mayroon tayong dapat sabihan ng sorry, mag-sorry na. Kasi baka bigla kayong mamatay, kung kailan pa kayo nag-aagaw-buhay at hindi na makahinga ay saka humihingi ng sorry. Dapat magpatawad na habang may boses pa kayo. Hindi yung kinamatayan nyo na yung galit sa tao. Kung mayroon kayong dapat ibigay sa tao, ibigay na. Mayroon kayong utang na loob na dapat suklian, suklian na agad para kung namatay yung tao, wala kayong pagsisisi.

Mga anak, mag-intrega na kayo nang husto sa magulang nyo para hindi kayo ngunguyngoy-nguyngoy sa puntod. Noong malakas pa ang mga magulang nyo hindi nyo mapadalhan ng prutas. Noong nagkasakit, basket-basket ang padala nyo pero bantay lang ang kumakain. Kupas-kupas na yung damit ng mga magulang nyo, hindi nyo ibinili ng bago ‘tapos nung burol lang nakapagsuot ng maganda, may sequins pa. Ipadama ang inyong pagmamahal habang buhay sila. Hindi yung kung kailan malabo na ang mata saka nyo itu-tour.

Whatever good you have to do, do it now because the person might die any moment. Or you might die. In both cases, sayang. Planuhin ang lahat nang sa ganun, walang pinagsisisihan sa huli.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: