Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 18:21
The tongue has the power of life and death, and those who love it will eat its fruit.

May kababalaghan at hiwaga ang spoken words. Words, when spoken, find a way to become real. Kaya yung laging sinasabi, “Yang anak ko na yan, bobo yan!” Nagiging bobo na nga. “Ang buhay ko, malas, malas, malas.” Talagang nagkakanda-malas-malas nga. Kasi hindi nga natin maipaliwanag why there is power in spoken words. Siguro dahil sinabi mo, nasa-suggest sayo, yun na rin ang gagawin mo. O narinig mo, yun na ang expectation, yun na rin ang gagawin mo whatever the explanation. Or what you say becomes your prayer.

So yung mga taong laging nagsasabing, “Alam mo, walang-wala ako e” pero meron at nagkukunwari lang, nagkakatotoo, nawawalan nga. Yung mga “Naku, sira na ang araw ko, umagang-umaga pa lang.” Sinasabi yun, talagang nagkakasira-sira yung araw. Sabi mo e.

Kaya dapat pronounce blessings. Ang palabasin nyo sa inyong mga bibig yung mabubuti, yung magaganda, yung mga blessing, hindi yung curses. Bantayan natin ang ating sinasabi. Kasi nangyayari nga.

“Kumusta ka?”
“Eto, blessed!”
“May pera ka ba?”
“Meron! Para sa akin lang, ‘no?”

Kasi kung minsan, nakakatakot naman masabing meron dahil uutangan ka pala. Huwag naman nating takutin ang ibang maging honest. Kung minsan, nagwawala-walaan dahil sa takot na lang sayo. Sabihin mo,

“Hindi kita uutangan, pero meron ka bang blessing?”
“Meron!”
“Wow, praise God! Bukas na lang ha?”

Ganun.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.