Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Corinthians 15:33
Do not be misled: “Bad company corrupts good character.”

Dapat kasi talaga maging mapili tayo sa ating sinasamahan, kung kanino tayo sumasabay at lalung-lalo na kung kanino tayo sumusunod. Minsan, sobrang bias ang mga magulang sa pagmamahal sa kanilang anak. “Mabuti ang anak ko, masama lang yung barkada.” Kung mabuti ang inyong anak at barkada lang ang masama, ano at napasama rin siya sa barkada nya? Lahat kasi tayo ay merong masama at mabuti sa ating kalooban.

Sino ang masamang impluwensiya? Yung tao na kayang buhayin ang masama na nasa atin na. Yun namang wala sayo ay hindi puedeng ilagay sayo kung ayaw mo. Nandun na yun. Depende lang kung sino ang kasama mo. Sino naman ang taong mabuti? Sila yung taong pag kasama natin ay napapalabas ang ating kabutihan. Hindi ba may mga taong pag kasama nyo at nagiging palabiro kayo? Kasi their company encourages you na maging palabiro. Meron namang pag sila ang kasama, ang tahi-tahimik nyo. Siguro, ayaw nyo silang kausap o hindi sila masarap kausap. In other words, nai-influence ang behavior natin ng kung sino ang ating kasama. Kaya mahalagang pinipili ang kasama.

But let us not blame others for our errors. Imposible naman kasing mapalabas sa atin yung kasamaan na wala sa loob natin to begin with. Nari-realize nyo ba kung ano ang influence sa inyo ng inyong kasama?

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.