Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Luke 19:8

Later that day Zacchaeus stood up and said to the Lord, “I will give half of my property to the poor. And I will now pay back four times as much to everyone I have ever cheated.”

Napakaraming dinaya ni Zacchaeus pero nung pumasok ang Panginoon sa kanyang buhay, hindi na siya nagpatumpik-tumpik. Nagpasya agad siya, “Lord,na-realize ko ang tama. Lahat ng dinaya ko babayaran ko, may interest.” Marangal ang mga taong bumabawi agad sa kanilang mga atraso.

May naanakan ka na kung sinong waitress, siempre hindi mo naman mapapakasalan dahil may asawa ka na, panagutan mo man lang yung mga gastos. At aminin mo sa asawa mo. Pasensya ka pag hinampas ka ng matigas na kawali. Mali yung nagpapalusot ka pa. Ang marangal na tao ay yung mabilis magbayad ng utang. Ang dami-daming load pagka nangungutang, pero pag singilan at bayaran na, walang load para mag-text man lang. Isa sa mga pinaka-nakakahangang qualities ng tao ay yung mabilis humingi ng tawad at mag-sorry. At ipinakikita na talagang sincere sa paghingi ng tawad.

There is an evil tendency to avoid admission of and paying for error, but dignified people are quick to correct and restitute for wrongdoing. Mabilis nilang pinananagutan ang kanilang pagkakamali. Ang human tendency ay tumakas sa responsibilidad, magpalusot, humanap ng ibang masisisi, pero ang taong maka-Dios ay agad na tumatanggap ng kanyang pagkakamali kaya maagang nare-repair ang mga relationships.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.