Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Jeremiah 29:11
“For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Bagamat may orihinal na tinutukoy ang verse na ito, merong pangkalahatang katotohanan ito para sa mga anak ng Dios. At ang plano ng Dios para sa kanila ay bigyan sila ng kasaganaan at kaginhawahan. Hindi para saktan kundi bigyan ng pag-asa at mabuting kinabukasan.

Sasabihin natin, “E bakit hindi nangyayari sa buhay ko yan?” Kasi hindi natin pinapayagan. Ang paghahari at pagpapala ng Dios ay hindi kumikilala ng income bracket, intelligence o pinag-aralan. Kahit sino, may malulungkot at may masaya. Anong pagkakaiba? Sa ating personal attitudes.

“Bakit hindi ka pa umuwi, ala-una na ng umaga?”

“Wala pa rin naman ang nanay ko e. Mauunahan ko pa.”

Aba, wala na ngang nagbabantay sayo, di mo pa babantayan ang sarili mo?

“Ba’t naninigarilyo ka na, ang bata-bata mo pa?”

“E hindi naman ako pinipigilan ng magulang ko.”

Lalong dapat kang magpigil. Kasi wala na ngang nagmamalasakit sayo, itatapon mo rin ang buhay mo?

“Bakit nakakalabinlimang nobyo ka na, e labimpitong taon ka pa lang?” “Ang nanay ko nga ho, nakakapitong asawa na.”

Ibig mong sabihin kung itinapon ng nanay mo ang buhay nya sa kanal, itatapon mo rin ang buhay mo?

Marami kasing tao, pag naliligid sila ng kadiliman, akala nila dapat na rin nilang diliman ang buhay nila. Pero hindi. Habang walang nag-aangat sayo, lalo mong dapat tulungan ang sarili mong umangat. May Panginoong nagmamahal sa atin. May balak siya para sa atin, doon sa kabilang buhay at maging dito man.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.