Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 14:10 (NIV)
Each heart knows its own bitterness, and no one else can share its joy.

Although hindi laging reliable na source of guidance yung pintig at nadarama ng puso, maaari rin itong gamitin ng Dios para magpahiwatig ng kanyang kalooban. However, we must know how to filter out our personal agenda. Dapat alam natin how to identify yung mga bagay na gustung-gusto lang natin, at kung kailan tayo hindi dapat nagpapadaya at nagpapadala sa damdamin. Tayo lang ang nakakaalam kung ano ang laman ng puso natin at tayo ang higit na nakakakilala sa sarili natin.

Kaya mahalaga na nagpapasuri tayo sa Dios, pinapasilip natin sa kanya ang mga dapat tanggalin sa ating pag-iisip para matupad ang kapamaraanan nya. But we must not always deny ourselves, our nature or our desire because we were wonderfully created to be who we are. You cannot be your auntie, your uncle, or your mother. You are you. You are unique. You must give space to your uniqueness even in your decision-making.

Napakabuti ng Dios. Binibigyan nya tayo ng laya to follow our heart habang tayo ay bata. At the same time, pinaaalalahanan din tayo na kahit maaari nating gawin ang gusto natin, hindi dapat kinakalimutan kung ano ang gusto ng Dios. Kaya kung kilala natin ang sarili at alam natin ang laman ng puso, agad nating nalalaman kung ano yung kalooban lang natin at yung kalooban ng Dios.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.