Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Leviticus 19:18

…I am the LORD, and I command you to love others as much as you love yourself.

To be a good friend to yourself, do to yourself what you would do to a good friend. Start by knowing yourself. Wala namang tunay na magkaibigan ang hindi lubos na nakakakilala sa isa’t-isa. Nasasabi mo lang na kaibigan mo ang isang tao dahil kilala ka, alam ang pagkatao mo, tinatanggap at minamahal ka maging sino ka man. Pero kung ang dami-dami nyang hindi alam tungkol sa iyo, magkapalagayang-loob man kayo pero mababaw lang yun dahil nag-iisip ka na baka pag nalaman nya ang ang mga lihim mo, baka mawala rin sya sa iyong buhay, hindi mo pa yun kaibigan.

Kilalanin natin ang sarili. Hindi sa pagiging mayabang o self-centered, nakakapanalamin ba tayo at nasasabi sa sarili, “You are fearfully and wonderfully made”? Nasasabi lamang ng tao na siya ay “kahanga-hanga” kung kilala nya ang sarili. Kasi nakikita nya ang imprint ng Dios na lumikha sa kanya, ang mga katangian ng Dios na nakatanim at naghihintay na maalagaan, yumabong at mamunga. Mahirap yung hindi mo naman lubos na kilala ang sarili pero panay ang puri mo dito. O kaya naman ay sobrang pinipintasan, inaalipusta at hinahamak.

Hindi natin ipinapaaba, ipinapaapi at ipinapabale-wala ang sarili dahil tayo ay pinapahalagahan ng Dios. Minamahal ang sarili dahil ito ang magiging tuntungan ng pagmamahal natin sa kapwa. Kapag hindi natin iginalang at pinahalagahan ang ating sarili, para na rin nating hindi iginalang ang Dios na nagpapahalaga sa atin. Discover, rediscover, and be the friend that you can be to yourself.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: