Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 5:12

If you have to work hard for a living, you can rest well at night, even if you don’t have much to eat. But if you are rich, you can’t even sleep.

Pagka pagod na pagod ang katawan mo sa pagtatrabaho, one thing is sure. Pag higa mo, tulog ka na agad. Di ba ang sarap nun? Samantalang may mga mayayaman na palibhasa’y hindi napapagod, ang dami-dami pang siesta time, hindi patang-pata ang katawan, ang tagal nang nakahiga hindi pa makatulog.

Bihira kang makakita ng kapwa nating mahirap na nakahiga na nang matagal ay hindi pa tulog. Usually hindi pa nga nakalapat ang likod, naghihilik na. And it’s a blessing to be able to sleep well. Daig mo pa ang mayaman kahit nakahiga ka lang sa sako ng mais. Unan-unan mo pa ang isang kabang bigas o isang buwig ng saba. E di ba ganun yung mga tindera sa palengke pag alas dos ng hapon? Pag matumal ang benta, hihiga na lang bigla at ibubuwal yung sarili nila sa V-meg Feeds o kaya isusubsob nila ang mukha sa isang salop na mani, tulug na tulog. Yun ang blessing.

Hard work is a blessing to those who have to work hard because it ensures that you will sleep well. And sleeping well is a form of wealth that many wealthy people don’t enjoy. Possessing does not guarantee enjoyment or happiness. In fact, possessing could be a terrible burden. So you do not have to own something to enjoy it. Many best things in life are free. Maraming blessing na inilaan ang Dios para sa lahat, hindi lang sa mga mayayaman.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.