Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

James 5:16
Therefore confess your sins to each other and pray for each other so that you may be healed. The prayer of the righteous man is powerful and effective.

Humingi tayo ng dalangin ng mga kapatiran para sa atin. Malaking blessing yun. Noong araw may nakilala akong isang pamilyang may kaya. I couldn’t think of any material thing to give them that they don’t have yet.

Isang Pasko, gumawa ako ng prayer gift certificate at ibinigay ko sa kanila. Di ba may gift certificates sa mga department store? Ito naman ay prayer gift certificate at nakalagay doon: “This gift certificate entitles you to be prayed for every Saturday of this year.” Alam kong nakatanggap sila ng kay dami-dami na kung anu-anong regalo.

Sabi nila sa pinadalang thank you card: “Your gift was the best we’ve received in all our life.” Naisip ko, “Tama, if there’s someone praying for me every Saturday for the whole year, that’s what I really want and need. Di ito tulad ng kung anu-anong mga burda-burdang nagkatastas-tastas na. Mga ibinigay na kung anu-ano na nagkabasag-basag na.” Siguraduhin lang na tutuparin mo yun.

Being prayed for is the best gift. Paano kayo maipagpi-pray kung kayo’y naglalakas-lakasan? Kailangan, nagsasabi din kayo sa kapwa na mapagkakatiwalaan naman. “Heto ang aking kailangan. Dito ako mahina… Ipag-pray mo ako.” Yan ang ministry natin na napakahalaga sa isa’t isa. At kung naiinis kayo sa isang tao, subukan ninyong ipag-pray siya. Huwag nyong ipag-pray na tamaan ng kidlat, ha? Ipagpray nyo ang mabubuting bagay na inyong makikita at pati ang loob ninyo’y nagbabago. Prayer changes them and us.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.