SAYANG

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Corinthians 15:58

…stand firm and don’t be shaken. Always keep busy working for the Lord. You know that everything you do for him is worthwhile.

A lot of people labor in vain. Kung minsan, ang bait-bait mo at ang husay-husay mong public servant, pero napagbibintangan ka pa rin at hindi ka binibigyan ng dangal ng mga tao kasi nagugrupo ka sa mga corrupt. Kung minsan, ang dami mong nagagawang mabuti, hindi ka naman naa-appreciate. Kung minsan, mayroon kang lifetime work, ‘tapos wala ka namang kahulugan nung natapos ka na. Pero lahat daw ng ginagawa sa ngalan ng Panginoon ay appreciated at recorded in heaven. Hindi naaaksaya ang anumang paglilingkod o pagbibigay sa gawain ng Panginoon. Kaya dapat na pinahahalagahan sa maikling buhay na ito.

We should not be possessed by bitter regrets. Huwag gumawa ng mga bagay na pagsisisihan. Ang kung may nagawa na, pagsisihan na, ituwid na, and then move on. Sayang ang bawat oras na may galit sa puso imbes na tuwa at pag-ibig. Sayang ang bawat oras na may panghihinayang at pagsisisi kaysa kagalakan. Sayang ang bawat oras na may mahal ka sa buhay ‘tapos hindi kayo nag-uusap dahil magkagalit kayo, samantalang puede naman kayong mag-usap at sumaya. Sayang ang bawat sandali na may kagalit ka, samantalang mas maganda kung siya ay kaibigan mo.

Pero kung may ginawa tayong mabuti at walang naka-appreciate, lalabas din yan pagharap natin sa Dios. Pero tandaan natin na pag may ginawa din tayong masama at walang nakakabuko, alam din yun ng Dios.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

BAWAL ANG TAMAD

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 19:15

If you are lazy and sleep your time away, you will starve.

Isa sa pinakamalaking kapintasan ay ang matawag na tamad at batugan. Maging ang Dios ay masasakit na salita ang ibinabato sa mga taong tamad. At nakapanlulumong napakaraming miembro ng ating pamilya ang tamad. Gustung-gustong magkaroon ng Nike, pero ayaw magtrabaho. Hiling nang hiling doon sa ate na nagtatrabaho bilang kasambahay sa Hong Kong. Di na naawa. Gasgas na ang kamay ng ate sa kalilinis ng kotse ng mga Tsino dun, eto namang mga kapatid at anak dito, porma nang porma sa mall. May mga teenagers na ang aarte at ang hahaba ng mga kuko, kaya ni hindi na makapagsaing. Paiba-iba pa ng kulay ng buhok. Hindi na marunong mahabag dun sa nagpapakahirap magtrabaho. Laging naiinggit sa iba at naghihimutok. Yung iba, wala na ngang hanapbuhay, miserable na, nagda-drugs pa!

Dapat tinutulungan natin ang mga kumikita, hindi yung gasta na lang nang gasta ng pinaghirapan nila. Hindi pa nga alam kung kailan darating ang remittance, naipangako na sa Bumbay! Ipambabayad lang sa mga kung ano’ng luho yung kikitain pa lang ng mga taong nagpapakaalipin kung saan-saan.

Kung gusto nating magpasasa, gusto nyong pumorma, gumawa kayo ng paraan. Magtrabaho kayo. Magnegosyo kayo. Kayong mga kabataan, bumili kayo ng isang kahong Chocnut sa umaga, itinda nyo sa school, sa hapon may tubo na kayo. Hindi yung puro paggasta na lang ang iniisip.

Malaking kasalanan ang katamaran. Hindi kinukunsinti ng Dios ang mga tamad. Nakakasira yan sa lipunan, sa buhay, at siempre, sa sarili.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Send Your Love Gifts in Pesos

Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.

KAPAG LIKABLE KA

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 22:1

A good reputation and respect are worth much more than silver and gold.

Para sa mga taong matatagumpay, pinahahalagahan nila ang kanilang pangalan at karangalan. Hindi sila yung makakain lang ng libre, di bale nang mawalan ng dangal. Makapanghingi lang kahit na pinamumura ang kanyang reputasyon at ang kanyang sarili. Hindi sila yung pinagbibigyan ang lahat ng katakawan at parang Mt. Hibuk-Hibok ang plato sa mga buffet. It is important to value our good name, especially if we are in the service of the Lord.

Successful people avoid asking too much and too often. Kung manghihingi man, mayroon silang laan na kapalit. Pag ganun, gaganahan yung mga tumutulong. You know why? Because people will like them and will give them opportunities. Lumalaki ang mundo nila at umaangat pataas. Lahat naman tayo ay tumataas sa ating social ladder dahil may tumutulong sa atin. People will always need help to go up. And the wonderful thing about it is that people like to help people who are likable. Lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataong umasenso, lalo na kung nakikita ang pagiging mahusay at magaling. But people destroy the bridges through which they should pass because of their lack of good character. At isa yan na kapintasan ng mga loser – bad character. Mahalagang maganda ang ating pagkatao at iginagalang ang ating pangalan.

Be a winner because our God is a winner. Know what it takes to be a winner.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

PROGRESSIVE

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 16:3

Share your plans with the LORD, and you will succeed.   

You don’t dive straight into a swimming pool to know if the water is too hot or cold for you. You take exploratory and experimental steps at ilulubog-lubog mo nang konti yung daliri mo to check. Kung gusto mong magnegosyo, halimbawa, restaurant o tindahan, you consult people who have experience along those lines. Umuupo ka, halimbawa, sa kanilang tindahan, tumutulong-tulong ka, ini-immerse ang sarili para malaman mo kung gusto mo ba talaga yung ganung business. Tine-test muna ang mga bagay-bagay.

Kung may itinuturo ang kapaligiran, ang payo ng mga marurunong, at iba pang bagay, dapat marunong tayong magbago ng mga plano. We re-group, re-plan, re-design, even improvise as needed. Hindi kailangang maging matigas ang ulo. Kung ipinapakita ng Dios na hindi bagay sa gifts natin ang isang negosyo, willing tayong mag-iba ng pasya. Gusto mong maging girlfriend ang babaeng ito pero nung nakausap mo ay may kakaibang ugali pala, willing ka rin na either hindi ituloy yun, o i-delay. Maging handa tayo sa mga leading ng Dios because God closes doors, opens windows, and we have to always keep our eyes open.

Also remember that God gives progressive revelation. Hindi naman ibinibigay ng Dios sa atin ang lahat ng kaalaman. We depend on him every step of the way. Unti-unting steps para kung nagkakamali tayo, madaling umatras. Kasi kung wala tayong preno, mahirap nang pigilan ang velocity natin kahit alam na nating mali tayo. Kaya hindi dapat na nagpapadalos-dalos. Be tentative, be willing to change your mind.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Send Your Love Gifts in Pesos

Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.

MAY DIGNITY DAPAT

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

2 Corinthians 6:4

But in everything and in every way we show that we truly are God’s servants. We have always been patient, though we have had a lot of trouble, suffering, and hard times.

Kahit sa gitna ng pagdurusa, dignified people remain graceful, restrained and calm. Hindi sila nagwawala o nagkakalat. Hindi ina-advertise ang kanilang kahirapan. Kung nagkakasakit, hindi dapat na dinadaingan ang lahat ng nakakasalubong. Baka iwasan ka na dahil wala nang narinig na mabuti sa iyo kundi daing. Huwag lumupasay sa lupa o sa lusak ng kabiguan.

Nakakita na ba kayo ng mga babaeng iniwan ng asawa at naglulupasay sa kalsada? Iniwan na nga, nagpagulung-gulong pa sa putik. Lalong hindi na sila babalikan nyan. Face sufferings with dignity. Puede namang umiyak at lumupasay sa tamang lugar at sa tamang kaharap. Pero hindi yung nag-aaway kayong mag-asawa, aalis siya, hahabulin mo pa hanggang kanto at binabato mo ng mga damit nya, “Huwag ka nang babalik! Huwag ka nang babalik!” Iskandalo. May tamang lugar ang lahat. Magngangalngal ka at magsisisigaw kung gusto mo, pero hindi sa lugar na napapahiya at nababastos ka. Walang matutuwa at tutulong sa iyo.

Hindi kailangang ilabas yung dark side natin sa panahon ng paghihirap. Nahihirapan ka na nga, tatanggalin mo pa yung natitira mong yaman, yung dangal mo. Kaya dapat na sinusupil natin yung pangit na ugali, lalo na kapag tayo ay nagigipit, nagugutom at nauuhaw. When we go through suffering and show our worse side, we only drive sympathizers away, create more trouble, and worsen the situation. Bilang mananampalataya, kailangan namang ipakita natin ang tining ng loob ng mga taong tinatahanan ng Espiritu ng Dios.