PATIENCE PAYS

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Corinthians 13:4
Love is kind and patient…

Kung may mga magnobyo at magnobya na may sexual desire sa isa’t-isa at hindi na makapaghintay, don’t mistake lust for love. “Huwag na nating hintayin ang Valentine’s Day, ngayon na. Sige na.” Apurado at nagmamadali. Watch out because it is very deceptive. Love is not in a hurry. It is patient. Naghihintay ng tamang oras at tamang lugar para sa lahat ng bagay. Ang ibig sabihin, hindi ito impulsive. Hindi bugso ng damdamin ang nasusunod kung hindi yung talino ng pag-iisip. Hindi nakabatay lang sa emosyon ang ginagawa. Kapag may nagawang mabuti ngayon ay hindi naghihintay na may bunga na agad bukas. “Pambihira naman ito. Inabutan ko ng kape kahapon ni hindi man lang kamutin ang likod ko ngayon.” Maaring nagtatanim ng kabutihan pero hindi agad bubungkalin kinabukasan para tingnan kung may tubo na. Love patiently waits for growth and fruit.

May mga asawa na hindi makapaghintay. They make unreasonable demands. “Darling, in two years dapat sa Dasmariñas Village na tayo nakatira ha?” Baka ang talagang mahal ay ang sarili lang. Bakit di na lang nila pakasalan ang sarili nila? We must also learn to respect other people’s timing and cycles. Hindi natin dapat pinapaikot ang mga tao sa sarili nating timing. Patience succeeds. The patient person gets the better results in the end. Yung impatient, yan ang talo. Yan ang bigla-biglang nagdadabog, naiinis, sumasabog, nagsasalita nang hindi tama. Yan ang mga taong laging magsisisi sa bandang huli at wala silang gagawin buong buhay kundi mag-repair ng mga damages na nagawa ng kanilang pagmamadali.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

MAGPASAYAHAN

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 31:10

A truly good wife is the most precious treasure a man can find!

Ano ba ang mga qualities na dapat hanapin sa isang magiging partner sa buhay? Marami at iba-iba ang standards ng tao. Yung iba, nabubulag sa pera, pero maling sukatan yun. Kung mayaman ang pipiliin nyo ngayon, gaano kayo kasigurado na hindi na siya maghihirap? At kung mahirap naman ngayon, sigurado ba kayong hindi yayaman yan? Hindi rin dapat itsura ang batayan. Malay nyo, huwag namang mangyari, mabuhusan ng kumukulong mantika, maging parang tsitsarong bulaklak yung dating mukhang porselana nyang kutis. E di yung kasiyahan nyo ay nawala na.

Magandang hanapin yung maganda ang ugali. Yung ugaling makakasundo nyo. Kasi kahit maliwanag o madilim, hindi magbabago yun. Piliin nyo yung tao na nagpapasaya sa inyo. Kahit walang masyadong pera at itsura, kung masaya naman kayo, mahalaga yun. Pero kung kasama nyo at parang bato pag katabi nyo, sasaya ba kayo nun? Kung magiging killjoy sa mga lakaran at masisira lang ang araw nyo, pipiliin nyo ba yun?

At kung napapasaya ka nga ng isang tao, ang tanong naman ay, napapasaya mo ba siya? Baka naman hindi ikaw ang hinahanap, hindi mo rin siya mapapasaya. Kahit napapasaya ka nya, pag hindi mo siya napasaya, mauubos din yung pagpapasaya nya sa iyo. Sa bandang huli, hindi ka na rin sasaya. Kasi palitan yan e.

Kung ngayon pa lang mayroon kayong boyfriend o girlfriend, at hindi naman kayo masaya sa ugali at mukha namang walang senyales na magbabago, mag-isip-isip kayo. Uubusin nyo ba ang buhay nyo sa isang kasama na hindi kayo masaya?

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

IMORAL

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Acts 15:29
… You must also not commit any terrible sexual sins. If you follow these instructions, you will do well.

Gaano karami sa mga kakilala natin o sa mga tao sa ating paligid ang gumulo ang buhay dahil sa pakikiapid sa asawa ng may asawa, at sa pakikipagrelasyon sa di naman dapat karelasyon? Nakikipagtalik sila sa mga taong nakikipagtalik din kung kani-kanino kaya nalilipat sa kanilang katawan ang katakut-takot na sakit ng mundo. Gaano karaming pera ang nauubos sa pagpapagamot?

Gaano karaming tahanan ang winasak ng sexual immorality? Gaano karaming ama’t ina ang nadurog ang puso dahil sa imoralidad ng kanilang mga anak na inuuwi sa kanilang tahanan ang lahat ng problema? Gaano karaming maybahay ang nagkawasak-wasak ang buong dibdib dahil sa immorality ng kanilang asawa, o vice versa? Kung aalisin sa buhay ang sexual immorality, kaagad siguro’y two-thirds of the world population will have peace.

Kasi sa dinami-dami ng pamilyang nagkawasak-wasak, ang bottomline na pinag-awayan ng mag-asawang di nagkapatawaran ay sexual immorality. Napapatawad naman ang asawang pagbalik mo’y naisanla o naibenta na pala ang lahat, pero matapat pa rin sa iyo. Napapatawad naman ang asawang treinta anyos na kayong magkasama pero di pa rin marunong magsigang. Napapatawad ang mga kamalian pero ang talagang nagiging dahilan ng tunay na gulo sa pamilya ay sexual impurity at pagtataksil. Nadadamay ang mga anak, magulang, at lahat ng mga kasangkot.

Live wisely then, because the devil looks for a foothold. He looks for something by which he can control us. People who want peaceful lives will avoid sexual immorality. It is harmful not only to your body and emotions, but to your spirit as well.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

RESPETO SA ASAWA

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ephesians 5:33

…and the wife must respect her husband.

Maraming babae na makapagyabang lamang sa kamag-anak, kaibigan at kaopisina, pinamumukha nilang kaya-kayanan ang asawa. Sasabihin nila, “Oo, siya ang ulo ng aming tahanan subalit ako ang leeg na nagpapabaling kung saan siya lilingon.” Hindi dapat yan because it is a form of rebellion against God. Huwag ipakita na ang inyong husband ay ander de saya.

May mga tradisyon pa sa kasal kung minsan at sulsol ng mga kamag-anak, tapakan mo ang paa ng lalaking yan para habang buhay ay ikaw ang magwagi. Wag kayong nakikinig sa sulsol ng mga kamag-anak na ang itinuturo sa inyo ay makipag-contest. Dapat sa pag-ibig ay walang nananalo, pareho kayong bihag ng isa’t isa.

May mga asawang maipakita lang na mas marunong sila, kino-correct pati ang spelling at pronunciation ng kanilang husband even in public. At sa pagkakapahiya ng lalaki, unti-unti namang nawawala ang kanyang pagmamahal sa babaeng ito. Kaya maraming mga kerida na mas lalo pang namamahal sapagkat sa piling nila ang ego ng lalaki ay busog na busog, samantalang sa piling ng tunay na asawa ay mukha silang pinitpit na luya. “No,” ang sabi ng tatay. Pagpunta sa nanay, “O sige, akong bahala, yes na yan.” That is not the role of a wife. Pag ganyan ang inyong ginagawa, namimiligro na ang inyong pugad ng pagmamahalan.

Even in private, do not embarrass your husband. Kahit nagpapakamacho ang mga lalaki, napaka-sensitive at maramdamin sila lalung-lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang paggalang sa sarili. Kung gusto nyong kayo’y lalong mahalin, boost the self, morale and confidence of your husband.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.



Send Your Love Gifts in Pesos



Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.

JUST SAY IT

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 16:24

Kind words are like honey—they cheer you up and make you feel strong.

Halimbawang nasarapan kayo sa niluto ng inyong asawa at hindi nyo man lang sabihing, “Ang sarap!” Napakasakit ng inyong silence. Sumbat ni misis,

“Ang sakit mo namang magsalita.” Sabi nyo naman,

“Wala nga akong kibo e.”

“Yun nga e. Wala kang kakibo-kibo. Hindi mo man lang ako mapuri.”

Dapat generous tayo with our praise. Hindi naman tayo mangangayayat, magkakasakit, o uubuhin kapag tayo ay may pinupuri e.

Many wives carry around some pain because of unsaid words they are waiting for their husbands to say. Mga misis na gustung-gustong masabihan ng “I love you” pero bigung-bigo. Tatanungin ang asawa, “Mahal mo ba ako?” Sasagutin naman, “Siempre. Pinakasalan nga kita e.” Para namang “Wow, big deal. Thank you ha, pinakasalan mo ako.” Yung mga iniisip nyong understood na yun, hindi yun understood. They must be said!

Kung biglang ang ganda-ganda na ng bahay nyo at may darating kayong kaibigan na matagal nyo nang hindi nakikita, at ni hindi man lang pinapansin ang bahay nyo, masakit din yun. Sasabihin nyo, “Pambihira naman, hindi man lang nya pansinin itong naipundar namin!” Yung mga hindi marunong mag-appreciate, insecure yun. Kadalasan, naiinggit yun kaya hindi makapuri-puri. Kaya masarap kasama yung mga taong secure. Ina-appreciate nila yung dapat i-appreciate. If there is something praiseworthy, dapat purihin naman natin. Because even silence, non-expression, and unsaid words can hurt.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: