Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 10:1
As dead flies give perfume a bad smell, so a little folly outweighs wisdom and honor.

Totoo nga naman. Kahit may isang balde kang pabango pag nilagyan ng isang langaw na patay, mabaho na yon. Kahit pa nga ang sarap-sarap na ulam nalaglagan lang ng konting patak ng kung anong tubig, napapanis na. At kahit ang laki-laki ng kumot o traje de bodang puti, madumihan lang ng kapiraso, marumi na. A little bad can destroy so much good.

Kung minsan buong buhay mo nagtatayo ka ng monumento ng iyong pangalan para maging kagalang-galang, para maging malinis, tapos isang pagkakamali, nawawasak.

Nakakalungkot na katotohanan. Sa dami mong ginawang mabuti, may isa ka lang ginawang masama, yun pa ang natatandaan. Kung mas maraming assets, mas maraming kabutihan o kagandahan, dapat mas maingat ang isang tao. Hindi komo marami na tayong nagawang mabuti we can afford to be careless. No one can sit on his laurels.

Halimbawa, isang mag-asawa na parang paraiso ang pagsasama. Tapos biglang nalaman ng babae na meron palang anak kung saan yung asawa nya. “Paano nya nalihim ito? Samantalang ang aga-aga nyang umuuwi, ang saya-saya namin. All along it was a lie?” Maraming ganung cases. Ang ganda-ganda ng panaginip, naging bangungot lang pala. Hindi imposibleng ibalik ang kanilang pagsasama because with God nothing is impossible. Pero alam nating ang hirap na talaga.

Kaya kung mas maganda ang samahan nyo, mas dapat nyong ingatan. Kasi mas malaki ang mawawala pag nagkasira kayo.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.