Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 6:7

We struggle to have enough to eat, but we are never satisfied.

         Some of life’s mysteries, ironies, contradictions, and senselessness in man’s struggle to acquire lie in his inability to get satisfaction. Even if you are working very hard, hindi guaranteed na masisiyahan ka pagkatapos. Nagkaroon na ng tatlong bahay, hindi pa rin masaya. Nagsisikap na magka-award, hindi pa rin kuntento pagkatapos makatanggap ng sampung award. Whatever you like, you will never really have enough of it, kaya sa maraming tao nagiging dios ang kanilang desire.

         Ang mahalaga, appreciate what you have. Do not always want something else. At yan ang problema natin kung minsan. Mayroon ka na, iba pa yung gusto mo. Pag umorder tayo sa restaurant, parang mas masarap yung order ng nasa kabilang mesa. Yung iba naman, ikukumpara ang asawa nila sa asawa ng iba. Yung mga mapuputi, nagbibilad-bilad para umitim. Yung mga morena, payong nang payong para hindi umitim lalo. Yung mga kulot, nagpapaunat ng buhok. Yung may straight hair, nagpapakulot. Lagi na lang may kulang.

         Sabi nila, “Get what you want so you will be happy.” But you cannot always get what you want. So, what do you do? Want what you get. Sasaya ka rin. Kailangang turuan ang sarili na sumaya. Kasi kung lagi mong aayawan yung kung ano ang mayroon ka, magiging miserable ka. ‘Tapos lagi mo namang hahangarin yung wala. If you like whatever you get, you will be happy. You will enjoy. Pag ang lagi mong hinahanap ay yung wala, hindi ka sasaya kahit kailan.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: