Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Romans 7:18-19

I know that my selfish desires won’t let me do anything that is good. Even when I want to do right, I cannot. Instead of doing what I know is right, I do wrong.

Kapag inaamin natin ang ating mga kahinaan, parang sugat ito na tinatanggalan ng langib para malinis, malanggas, at magamot. Hindi puedeng takpan ang sugat at asahang gagaling ito. Hindi puedeng takpan ang mga kamalian na hindi naitutuwid dahil ito’y hindi na maitutuwid pa kailanman.

Admission could also win sympathy, if not understanding or even support. Kung marami kayong mga katangian; halimbawa, ang talino, yaman, ganda, o napakatagumpay nyo, maraming maiinggit sa inyo. Dun sa mga potensyal na maiinggit, makabubuting umamin kayo ng ilang kapintasan. “Ang dami-dami ko ngang pera pero hindi kami nagkakasundo ng asawa ko.” Yung totoo lang. Pag nakita nung mga kandidatong maiinggit sa inyo na mayroon din kayong mga kulang at kapintasan, mababawasan yung inggit nila at baka maging supportive pa sila sa inyo.

Maling-mali yung mga tao na nagke-create ng superman/superwoman image. Yung “I can handle everything.” “Ang talino ko…” “Ang galing ko..” “Efficient ako.” Actually wala namang matutuwa sa inyo e kung hindi amo nyo kung pinapakinabangan kayo dahil ang galing-galing nyo’t ang husay-husay nyo. Pero yung mga karaniwang tao, kaibigan at kapwa manggagawa, maiinis pa nga sila sa inyo e. So, hayaan nyo nang makita nila yung mga pingas ng inyong pagkatao. Hindi na sila maiinggit sa inyo. And when you show a little bit of your weakness, when you admit little bits of your imperfections, people tend to be kinder to you.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.