Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 11:8
However many years a man may live, let him enjoy them all. But let him remember the days of darkness, for they will be many.

Every day must be enjoyed. Gigising ka sa umaga na wala kang problema, magpasalamat ka at magdiwang! Kasi minsan paggising mo, may namatay kang kamag-anak. Iniwan ka na pala ng asawa mo. Nagda-drugs pala ang anak mo. Nalugi ang iyong negosyo o natanggal ka sa trabaho.

Sabi ng Biblia, kung may pagkakataon kayong sumaya, magsaya na kayo. Huwag ninyong limutin na maraming araw ang nakatakda na maging malungkot. Pag dumating ang nakatakdang araw na yun, at hindi mo kayang iwasan, doon ka na lumungkot. Pero habang wala kang malaking dahilan para maglungkut-lungkutan dyan, pasayahin mo ang sarili. Kung ang liit-liit na bagay ay ipaglulungkot mo, pag dumating ang malaking bagay na mas ikalulungkot mo, hindi ka na makakatapos sa lungkot na yan.

Kung dumating ang araw na wala kayong disaster, di kayo nasunugan, di kayo lumubog sa lahar, di kayo inano ng tsunami, di kayo kinagat ng asong may rabies, di kayo natuklaw ng ahas, walang namatay sa inyong pamilya, ipagdiwang ninyo ang araw na yun. Ang mga binanggit natin ay puedeng mangyari. At pag nangyari ang mga ito, dun kayo maging malungkot.

Remember the days of darkness for they will be many. That’s why you must take every opportunity to be happy. Seize them and be happy because it won’t always be like that. Magsaya tuwing puede.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.