Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Corinthians 15:10

But God treated me with undeserved grace! He made me what I am, and his grace wasn’t wasted…

Kung puede lang sigurong magpalit-palit tayo ng baha-bahagi ng ating katawan, hindi na tayo titigil ng kahihiram ng iba. Hindi naman masama na gusto ng taong ayusin ang sarili nya, pero para sumaya, tanggapin natin kung sino tayo. At hindi lang tanggapin ha? Pasalamatan ang Dios na tayo ay tayo. Tanggapin maging ang ating mga tinatawag na kakulangan, and then begin from there. Let’s improve up to a point, pero hindi kailangang baguhin lahat. Kasi, ang totoo, hindi na tayo titigil sa kapapalit ng ating anyo. We do not need to be somebody else. We just need to be the better version of ourselves.

Kung mayroong magaling kumanta, at hindi ikaw, siguro naman magaling kang mamalantsa, so ipamalantsa mo siya habang siya ay kumakanta. Pareho kayong naka-minister to each other. Hindi mo puedeng hangarin yung talent ng iba. Lulungkot ka. Sa magkakapatid, may konting inggitan dahil yung ate mo ang daming nanliligaw, sa iyo ang ounti. Tuwing may reunion, lagi kayong ikino-compare. “Bakit ang ate mo ang puti-puti, ikaw hindi?” Nagkakaroon ka tuloy ng resentment sa kapatid mo kahit wala namang siyang kasalanan.

What should we do? Tanggapin kung ano ang nand’yan. Hindi na yan maiiba pa. Sadyang may mga bagay na hindi na napapalitan at tinatanggap na lang. Baguhin kung ano ang kayang baguhin, at yung hindi, ipagpasalamat sa Dios dahil lahat ng kung ano tayo ay sa kanya lamang galing.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.