Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 23:1

You, LORD, are my shepherd. I will never be in need. (11 words)

When you are broken or afraid, alone or lonely, troubled or anxious or depressed, ask the Lord to be your shepherd. He is only a prayer away. Kung minsan malakas ang loob nating pumunta sa isang lugar, biglang nalaman nating nakapasok pala tayo sa dark valley. Kung kayo ngayon ay may pinagdadaanan, ask God to hold you by the hand, and to take you out of that mess because God promises to be there.

Bakit ka kakapit sa patalim kung nand’yan ang kamay ng Panginoon at inaabot ka? Bakit ka gagawa ng paraang hindi maka-Dios? Lalong gugulo, hihirap, lulubog ka, sisikip ang mundo mo, at magkakabuhol-buhol ang problema mo. It’s time to remember that the Lord is your shepherd. At hindi bagay sa mga tupa ng Dios yung nagugutom, nauuhaw, nakakagat-kagat ng ibang mababangis na hayop kasi umaalis sila sa grupo. Pag malayo ka na sa grupo, malayo ka na sa proteksyon, nakakalimutan mo na kung sino ka. Madali ka na nilang kainin.

Magbalik-loob sa Dios. Siya ang pinakamadaling tawagan sa lahat. Kung ayaw mong magpa-shepherd sa kanya, hindi ka nya pipilitin. But you pay a heavy price. Did you become busy with things God did not want you to get busy with? Tupa ka na ba ng Panginoon? At kung siya na ang iyong pastol, suriin mo kung nasaan ka ngayon. Kasama ka bang naglalakad? Tumatawag pa siya. Sipol na siya nang sipol. Nakikinig ka ba? Nagpapapigil ka ba kung pinipigil ka? Sumusunod ka ba kung pinapasunod ka? Call on God. Do not harden your heart.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: