Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 11:28-30
Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light.

Hindi ibig sabihin ng resting in the Lord ay wala na tayong gagawin, lutas na lahat ang ating problema. Pero merong himala na nagaganap pag nagtitiwala tayo sa Dios habang patuloy tayong nagsisikap na lutasin ang mga problema, napapahinga na ang ating kalooban.

Kahit nakapahinga ang ating katawan kung pagod naman ang ating espiritu, balewala. Nakahiga pero hindi makatulog. May binabasa pero hindi maintindihan ito. Nakatingin sa view pero hindi nakikita yung view. Ang mahalaga yung kapahingahan ng espiritu kaysa sa kapahingahan ng katawan. May foot spa. Pero mas mahalaga ang soul spa. Pahinga at pahingahan ng espiritu.

Sa katunayan, pagpapala yung pagod ang katawan sapagkat pag napapagod ka’y nakakatulog ka na, at pag natutulog ka, hindi ka na nagkakasala. Kaya yung mga taong hindi napapagod, laging maluwag ang buhay at laging iba ang gumagawa para sa kanila, kung anu-ano ang naiimbentong kasalanan.

Sabi ni Hesus, “Take my yoke upon you.” Pamatok kasi ang ginagamit sa Israel noong araw kapag ang hayop ay humihila ng isang karwahe. Yung dalawang yoke ay para sa dalawang hayop na humihila para nagkakatulungan. Kaya sabi ni Hesus, “Tutulungan kita; magtulungan tayo.” Hindi natin ibubunton lahat sa kanya pero magiging katuwang natin siya. Yun lamang may kasama ka, kahit ka nahihirapan, ay malaking comfort na.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.