Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ephesians 5:17
Therefore do not be foolish, but understand what the Lord’s will is.

God has a perfect will for us and God also gave us free will. Dapat mag-agree yun completely para mangyari ang gusto ng Dios. Hindi kasi siya nag-iimpose. So kung kalahati lang ng gusto ng Dios ang tinanggap natin, at yung kalahati ay pinipilit natin yung gusto natin, kalahati lang nung potential ang mangyayari. Kung three-fourths lamang ng gusto natin ang nangyari, one-fourth naman yung matitira sa gusto ng Dios. Our disagreement with God’s will is directly proportionate to what will not happen in our lives according to God’s plan.

Parang magulang. Meron tayong perfect will for our children. What is that? Anim na taon dapat matapos ng elementary, kung walang grade 7 ang school nya. Apat na taon dapat matapos nya yung high school, apat uling taon matapos nya ang kolehiyo. Kaya lang hindi ganito ang nangyayari. Yung perfect will ng magulang, apat na taon ang high school. Yun namang personal will ng anak, pitong taon sa high school. May sariling kalooban ang anak. Ayaw mag-aral, umaabsent, nagka-bagsak-bagsak, nagka-urong-urong.

Ang gusto mong mapangasawa ng anak mo mahusay, maayos, lahat-lahat. Pero si Bigote ang gusto nya kaya dun siya napakasal. Perfect will ng magulang hindi natupad. Will nung anak ang nangyari. Eto ngayon, iiyak-iyak. Susumbong-sumbong. Kung tayong mga makasalanang tao ay merong magandang plano para sa ating mga anak, ano pa kaya yung perfect will ng ating Dios sa langit? Gaano pa kaya lalo kaganda yon? Pero matutupad lamang yun kung tayo ay sumasang-ayon sa plano at nagko-cooperate.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.