365 Daily Supplements for the Heart

365 pills from the Bible for each day of the year.
Organic. Healthful.
Some sweet like honey, some bitter like herbs.
All good for the heart.

Wisdom of the ages applied to daily life
in the unique ED Lapiz way.
Nakakatawa, nakaaliw, nakagigising.
Empowering, enriching, comforting.
Read a page each day and walk
wiser, stronger, happier.

365 Daily Boosters for the Heart

A pill a day keeps the sickness away.
Ang paalala ay gamot sa taong nakakalimot.
Pleasant words are a honeycomb, sweet to the soul and healing to the bones.
(Proverbs 16:24 NIV)

365 spiritual boosters from the Bible for each day of the year.
Mga pampalakas ng loob na
– malalim at mababaw
– mataas at abot-kamay
– nakakakiliti at nakakalungkot
– sumasagot at nagtatanong
Lahat ay Bible-based, katas ng malalim na pag-iisip.

Today’s Word

YUNG PANG-NGAYON LANG

Luke 11:3

“Give us each day the food we need.”

Madalas na ang ating dasal pagpikit ay listahan ng kailangan. Pero ang inuuna dapat ay mabigyan natin ng puri ang pangalan ng Dios at mapaghari ang puso ng marami. Number three ang bigyan nya tayo ng ating mga kailangan.

read more

BEAUTIFY YOUR LIFE

Ecclesiastes 2:4-5

I did some great things. I built houses and planted vineyards. I had flower gardens and orchards full of fruit trees.

Pag nakakita ka ng isang babae na yung buhok ay hindi lang tinalian kundi nilagyan pa ng mga gumagalaw-galaw na paru-paro o mga bola na umiikot at naggo-glow-in-the-dark, Pilipina yun. D’yan magaling ang Pinoy. At dapat lang, dahil duty natin sa buhay to beautify it, make it lovelier and more pleasing to the body, soul and spirit.

read more

MABUHAY DIN PARA SA SARILI

Ephesians 3:19 (MSG)

Live full lives, full in the fullness of God.

Napakarami sa atin, lalo na ang ating mga ina at mga kababaihan ng Pilipinas, halos wala nang sariling life. Noong bata-bata pa sila, ibinigay lahat sa asawa at nang tumanda-tanda, ibinigay lahat sa anak at sa asawa pa rin. Maging mapagbigay ngunit huwag ipamigay ang sariling buhay. You have to live your life. While you are trying to be a beautiful addition to someone else’s life, do not forget that it is your primary duty to live your life. Huwag nyong kakalimutan na kayo man ay nilikha ng Dios na mayroon ding tungkulin sa inyong sarili na habulin ang inyong mga pangarap, tupdin ang inyong mga nilalayon sa buhay at lasapin ang mga inaasam ninyo. Huwag lang kayong maging tuntungan ng iba bagama’t mahal nyo sila. Paminsan-minsan pumapayag tayo, nagvo-volunteer pa nga pero hindi ka nabuhay at hindi ka binuhay ng Dios para tuntungan lang ng iba. Mayroon ka dapat na buhay na ipinapamuhay na ikaw iyon, kahit isa kang asawa, magulang, at anak.

read more

HUWAG PROBLEMAHIN

Luke 12:25

Can worry make you live longer?

Huwag masyadong problemahin ang buhay. Marami tayong pinoproblema sa buhay na hindi naman natin kayang lutasin. Nag-aalala kapag lumilindol. Kaya ba nating pigilin yun? Hindi, pero mayroon kang puedeng gawin. Maging alert. Maging handa. Mag-ipon ng konting tubig, pagkain, flashlight kung saan ka nakahiga, para kung madaganan ka ng bahay mo, may baon ka man lang. Kung mahukay ka sa ikapitong araw at naabutan kang kumakain ng butong pakwan, masaya ka nang konti. Ngayon kung may baon kang de-lata, tiyakin mong may abrelata ka, kasi mahirap ngatngatin yung lata sa dilim.

PAUSE, REST, ENJOY

Ecclesiastes 6:2

God may give you everything you want—money, property, and wealth. Then God doesn’t let you enjoy it and someone you don’t even know gets it all. That’s senseless and terribly unfair!

Mayroon daw mga taong pinagpala naman at nagkaroon ng kakayahan na magpayaman kaya lang hindi sila nabigyan ng pagkakataong lasapin yung sarap ng kayamanan na kanilang inipon. Bakit? Sapagkat kung iisipin natin, there are great payments to be made for great wealth. Hindi naman dali-daling yumayaman ang tao, maraming paghihirap at sakripisyo yan. You invest not only money but also your time, talent, and relationship. At kapag yumaman na, yung mga hindi naman katuwang na ipunin yung kayamanan, gustong makihati. Ang hirap ngayon, kung naubos mo na yung lakas mo at yung good relationship with people para ka yumaman, ano pa ang natira para ma-enjoy mo yun? Na kahit mayaman ka, namamatay ka rin. And through death, succession and inheritance, legalities and other reasons, you lose control of your possessions. Habang buhay, malakas, at malinaw ang iyong isip, dun mo lang hawak yan. Darating ang panahon na iba na ang magma-manage at magpapasasa d’yan.

read more

BEHAVE

Hebrews 13:17a (NIV)

Obey your leaders and do what they say. They are watching over you, and they must answer to God…

May awkwardness yung mga bagong yaman, the so-called “nouveau rich.” Galit na galit sa pera, hindi malaman kung paano idi-display yung kanyang yaman, halatang-halata tuloy. Ganun din ang mga bagong sikat, bagong graduate, bagong pasa, akala nila alam na nila ang lahat. Kung bago tayo in anything, dapat mag-ingat tayo. Kaya rin nating mang-inis at manira sa kapwa. Parents and elders can damage their children. Employers can damage their employees. Officials can damage the people they lead. Superiors can damage their subordinates.

read more

HANGGANG SA PAGTANDA

Proverbs 13:22

If you obey God, you will have something to leave your grandchildren…

Pinag-iisipan daw ng isang matinong tao na makapagpamana hanggang sa kanyang kaapu-apuhan. Sa economic challenges ng buhay sa Pilipinas, hindi laging madaling gawin yan. Pero dapat pa ring pagsikapan at gawing goal to earn more than what we will need for old age para may maipamana tayo sa ating iiwanan.

read more

DAPAT MAY SURPLUS

Matthew 25:24-25

The servant who had been given 1,000 coins then came in and said, “Sir, I know that you are hard to get along with. You harvest what you don’t plant and gather crops where you haven’t scattered seed. I was frightened and went out and hid your money in the ground…”

Planting is about multiplication. Huwag makuntentong maghimalay na lang, o makipitas, o manghingi. Pagtapos na yung nagha-harvest, susunod na yung naghihimalay at maghahanap kung may natira. Huwag tayong makuntento sa ganun. Sikapin nating makapagtanim tayo ng sarili natin. Kahit pinapayagan tayong makipitas, konti lang ang mapipitas natin. Kailangan may sarili tayong pinipitas at hina-harvest dahil tanim natin yun.

read more

OFW FOR LIFE

Matthew 25:27

“You could have at least put my money in the bank, so that I could have earned interest on it.”

Mga kabataan na may magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang OFW, hindi nyo ba pinapangarap na habang bata pa kayo ay makauwi na sila at hindi na kailangang umalis para kumita? Kung gusto nyo itong mangyari, dapat kayo matutong maghanapbuhay at mag-invest. Sa hinihingi nyo at ibinibigay sa inyo, namumuhunan ba kayo? Bumibili ba kayo ng mga mumunting bagay at nangangalakal kayo? Gumagawa ba kayo ng mga mumunting negosyo para man lamang sa allowance ninyo? Kasi yung mga anak na walang ginawa kunndi gumasta, humingi ng perang pambili ng gadgets, pang-load, pang-party ay para nang sinintensiyahan ang mga magulang na maging OFW for life. Kung kumikita nang malaki ang inyong mga magulang, matuto kayong magnegosyo para dumating ang panahon na sila na ang masuportahan ninyo at mapauwi nyo na sila.

read more
Sabi ni Kuya Ed

Sabi Ni Kuya Ed

Author: Pastor Ed Lapiz
Cover: Hardbound
Pages: 366
Published: CSM Publishing
EAN: 65223174329

Bits

Bits

Author: Pastor Ed Lapiz
Cover: Hardcover
Pages: 113
Published: Published 2015 by KALOOB Publishers
ISBN: 4806523174190

365 Daily Boosters for the Heart

365 Daily Boosters for the Heart

Author: Pastor Ed Lapiz
Cover: Softbound
Pages: 365
Published:
ISBN:

365 Daily Supplements for the Heart

365 Daily Supplements for the Heart

Author: Pastor Ed Lapiz
Cover: Softbound
Pages: 365
Published:
ISBN:

Isang Tanong Isang Sagot

Isang Tanong Isang Sagot

Author: Pastor Ed Lapiz
Cover: Softbound
Pages:
Published:
ISBN: