Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 25:27

“You could have at least put my money in the bank, so that I could have earned interest on it.”

Mga kabataan na may magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang OFW, hindi nyo ba pinapangarap na habang bata pa kayo ay makauwi na sila at hindi na kailangang umalis para kumita? Kung gusto nyo itong mangyari, dapat kayo matutong maghanapbuhay at mag-invest. Sa hinihingi nyo at ibinibigay sa inyo, namumuhunan ba kayo? Bumibili ba kayo ng mga mumunting bagay at nangangalakal kayo? Gumagawa ba kayo ng mga mumunting negosyo para man lamang sa allowance ninyo? Kasi yung mga anak na walang ginawa kunndi gumasta, humingi ng perang pambili ng gadgets, pang-load, pang-party ay para nang sinintensiyahan ang mga magulang na maging OFW for life. Kung kumikita nang malaki ang inyong mga magulang, matuto kayong magnegosyo para dumating ang panahon na sila na ang masuportahan ninyo at mapauwi nyo na sila.

The Lord likes his people to invest. Naghahanap siya ng interest. Pag may ibinigay sa atin, dapat may maipakita man lang tayong tubo. Hindi puro consume, paggasta at pagwawalang-bahala. Gaano karami sa mga kamag-anak ng OFW na nandito sa ating bayan ang nakakaisip bumili ng isang kawali, isang kusinilya, isang piling ng saging at konting asukal, at gumawa ng banana cue para itinda at kumita? Para kapag pinapadalhan kayo ng mga magulang ninyo, may masabi man lang kayo, “Heto, kumita ako nang konti,” o kaya “Nakabawas ako sa expenses natin.” Invest in something good, excellent and superior. Mahalaga yung magtulung-tulong. Kapag hindi natin tinulungan ang mga kamag-anak na patuloy na nangingibang-bansa para magtrabaho, kailan pa sila makakauwi?

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: