Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Leviticus 19:35
Do not use dishonest standards when measuring length, weight or quantity.

Napakaraming mahusay mandaya. Pag bumili ka ng tela, ang bilis magyarda ng tindera kaya pagdating mo sa bahay, kapos ang tela. Ang huhusay ng pulso na akala mo madyikero. Kulang sa guhit ang mga tinimbang na prutas o bigas. Mga karneng tinuturukan ng tubig para bumigat ang timbang. Mga gulay at isda na inilulubog sa formalin para mukhang sariwa. Napakawalang-kunsyensya ng mga tinderang ito para pakainin tayo ng chemical na ginagamit para hindi maagnas ang patay! Yan ang kinamumuhian ng Dios. Isa pang mandaraya yung mahilig mangutang pero wala naman palang kabalak-balak magbayad.

Kaya ang mga gumagawa ng ganitong bagay ay huwag umasa ng mabuting kahihinatnan. Bagamat pansamantala silang umasenso at lumuwag sa buhay, hindi rin yun magtatagal. Nagkakaroon sila ng maraming pera pero nagkakaroon naman ng mga malubhang sakit at nagkakawatak-watak naman ang kanilang bahay. Napakalaki ng bayad lalo na’t kung ang dinadaya natin ay maliliit na tao. Ang yamang galing sa pandaraya, nawawala rin.

May ganti ang buhay. Galit ang Dios sa mga madayang timbangan. At kung iniisip natin na makakalamang tayo sa kapwa, darating din ang panahon na babalik sa atin ang ginagawang panlalamang. Kung ano ang ating itinatanim, yun din ang ating aanihin.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.