Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Genesis 1:12 (NIV)

The land produced vegetation: plants bearing seed according to their kinds and trees bearing fruit with seed in it according to their kinds. And God saw that it was good.

Ang gusto ng Dios sa mga nilikha nya ay laging nagpaparami. Nang nilikha nya ang mga halaman, nilagyan nya ang mga ito ng kakayahang magkaroon ng buto at bunga. Bihirang-bihirang bunga ng halaman ang iisa lang ang buto. At kahit iisa lang ang buto, katulad ng avocado, maraming bunga ito at maraming beses mamumunga sa hinaba-haba ng buhay ng halamang yun.

At ginagawan pa ng paraan ng Dios para dumami ang bawat butil. May mga may pakpak na lumilipad, tulad ng buto ng narra na dinadala ng hangin sa malayo para kumalat. Mayroong mga butong kumakapit sa iyong binti o damit para kung saan mo ipagpag nadala mo yung butong yun. Pinapatamis ng Dios ang mga prutas para kainin ng ibon yung laman at lunukin pati buto para kung saan gumawa ito ng mga dapat nitong gawin sa buhay, doon naman nalalaglag ang butong pumasok muna sa kanyang katawan at lumabas din para paglaglag sa lupa may kasama pang fertilizer.

Mahilig ang Dios mag-multiply kaysa magdagdag lamang. What you have is what you will even have more of. Kung ano talaga yung mayroon ka na, nagkakaroon ka pa lalo. God’s increase comes from multiplying God’s capital of talent, time, and treasure. And this is where all of us are equal. Every human being has twenty-four hours a day, seven days a week. What we do with our time will determine much of the end result of our endeavors.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: