Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 9:8
Do not rebuke a mocker or he will hate you; rebuke a wise man and he will love you.

Pag may miembro sa church na natamaan ng mensahe ng pastor, a-absent na sa isang linggo. “Ano ba yang pastor na yan? Nang gumagawa siya ng mensahe ako yata ang pinatatamaan!” Kapag inisip ninyong kayo ang pinatatamaan—pride yan. Pauupuin ba ang daan-daang tao para lang makinig, at ikaw lang pala ang audience? Bakit naman kayo isi-single out ng pastor? Paano na ang ibang nakikinig, palamuti sa church?

“Ayoko na ngang umattend dyan.” Saan ninyo gustong umattend? Dun sa kayo’y bobolahin? Yung ang ganda-ganda nyo, yung wala kayong kasalanan, yung ang banal-banal nyo? Kaya nga tayo umaattend sa church ay para pagsasampal-sampalin at nang magkapasa at duguang uuwi. Nakapag-church ka na nun. Sino ba sa atin ang hindi dapat ganunin?

Ang mga Kristiano na ang puso ay nasa tamang lugar, habang nalalamog ay sasabihin, “Hallelujah! Praise God. Salamat po.” Pero yung magsasabi ng “Hmmm…ako yata ang iniisip. Ako yata ang tinutukoy nito a..Bakit nya alam?” Hindi nyo marahil nababatid kung saan kumukuha ng mga pangitain ang mga nagbibigay ng mensahe! The Lord gives that. Why? Because the Lord loves the church. He likes the church to be always edified and strengthened. Kung kailangang pagalitan, di pagalitan. Masarap tamaan ng pagtutuwid ng Dios.

Expect this in the church because Jesus is the head of the church and he is the Shepherd. Pag lumiliko-liko ka, ibabalik ka nya.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.