Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 85:8
I will listen to what God the LORD will say; he promises peace to his people, his saints— but let them not return to folly.

Sa telebisyon, radyo at iba pang media, nag-aagawan ang mga istasyon sa attention ng mga tagapanood at tagapakinig kaya pinapalala at pinapapangit ang mga balita sa news programs. Kung minsan kukunan ng picture ang isang bubong ng bahay na nilipad ng hangin at bumagsak sa ilog. Ang naging headline: Bahay lumubog sa baha! Yun pala, bubong lang talaga yun at hindi naman bahay.

Huwag tayong masyadong nagpapaniwala sa sensational journalism. Nag-aagawan lang ng benta ang mga dyaryo at telebisyon. At alam naman nating lahat, bad news is good news because it sells. Kaya nga dapat na rin nating palitan yung concept ng news. Nakakatamad nang magbasa ng dyaryo at manood ng balita.

Kung kailan pa naman dinner time nandyan yung mga news ng mga sinaksak, tinanggalan ng bituka, dinukot ang mata, sinementuhan, inilagay sa drum, sinunog. Kita nyo kung gaano ka-bad taste ang ating mga broadcasters. Hindi na inisip ang mga pamilya na magkakasama habang kumakain. Ano ang mapapala ng isang bayan na idinetalye pa sa balita kung paano tinadtad ang isang babae at pinutul-putol ang kanyang katawan? Pero yung mga mabubuting balita, nagiging paningit na lang. That’s why even the media has to be re-won in God’s name.

Kaya mabuting pinakikinggan ang Dios sa pagbabasa natin ng Biblia, sa pakikinig natin ng mga responsible preaching, sa pagre-reflect natin ng mga awitin na nagpapaliwanag ng mga mensahe ng Dios. Dito tayo magbabad.

 

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.