Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 13:12

“Everyone who has something will be given more. But people who don’t have anything will lose even what little they have.”

“More” usually means abundance of possessions or blessings, but it can also include abundance of work. Abundance of work is a blessing because ang sabi ng Dios, “Seven days yang ibinigay ko sa inyo–six days you work and on the seventh day, you rest.” God likes us to work.

Nang bumukas ang tabing ng chapter 1 ng Genesis, nagtatrabaho ang Dios na inabutan nating nasa gitna ng tanghalan. Hindi siya nagpapahinga. After six days of work, saka pa lang siya nagpahinga. Kaya ipagpasalamat natin kung marami tayong ginagawa.

And God works by multiplication. His blessing is a multiplier so give God something to multiply. Kung zero ang ibibigay ninyo sa Dios, kahit bigyan nya kayo ng one hundred, zero pa rin ang product nun. Kung one ang ibibigay ninyo sa Dios at minultiply nya ng one hundred, one hundred lang yun. Pero kung binigyan ninyo ng two, e di naging two hundred. Binigyan ninyo ng three, naging three hundred. Wala tayong lugi sa Panginoon. Ano man ang ating inilalagak sa kanyang kamay, pag ibinalik nya sa ating palad, pinarami na nya.

Believe so you can believe more. The apostles asked the Lord in Luke 17:5, “Make our faith stronger!” At umaasenso lang ang pananalig kung laging ginagamit, laging pinanghahawakan, at laging ipinangangahas ito. Saka mo lang napapatunayang totoo pala, magiging handa ka na ngayon na tumaas pa uli ang mga pangangahas mo dahil ikaw ay nananampalataya na nagtitiwala ka nang ganap sa Dios. But it takes practice.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: