Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Mark 12:31

The second most important commandment says: ‘Love others as much as you love yourself.’

While it is a noble task to do good to others, paalalahanan din natin ang sarili not to neglect doing good to ourselves. Kasali ang sarili sa ginagawan ng mabuti. Marami sa atin ang kay buti-buting anak at kapatid na nagbibigay ng lahat sa kanilang pamilya pero mukha silang naghihingalong tipaklong. Ni hindi kumakain ng masarap, hindi nagbibihis ng maganda, ni hindi namamasyal, at ni wala nang ligaya sa buhay. Hindi kabayanihan yun.

Ang presumption sa utos ng Panginoon is that minamahal natin ang sarili. Magmamahal tayo sa kapwa katulad ng pagmamahal natin sa sarili. God loves for us to love ourselves. We are not our own, we are God’s. We were bought at a price. We are God’s property and we must love all of God’s properties including ourselves. Yung iba naman minamasama pag mahal natin ang sarili. Mali yun.

Okay lang sa Dios na mahalin natin ang sarili, kaya lang dapat mahalin din natin yung iba tulad ng pagmamahal natin sa sarili. Hindi sarili lang ang minamahal. Lalong hindi naman mahalin lang ang iba at kalimutan ang sarili. Yun ang point. Yung pagmamahal sa sarili ang sukatan ng pagmamahal sa iba.

Kung susundin natin ang utos na ito, nakakatiyak ang Panginoon na magiging mabuti ang pagmamahal natin sa kapwa. Malaking crime ang not to love yourself. Because when you do not love yourself, you do not have love in you. And you cannot give what you do not have.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: