Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 12:9-10
Not only was the Teacher wise, but also he imparted knowledge to the people. He pondered and searched out and set in order many proverbs. The Teacher searched to find just the right words, and what he wrote was upright and true.

Alam nyo ba kung gaano kahalaga ang mga kasabihan? Para makabuo ng two-liner na “Ang naglalakad ng matulin, kung matinik ay malalim. Ang naglalakad ng marahan, kung matinik ay mababaw” kailangan ng isang mahabang buhay ng pag-o-observe, pagpo-proseso ng mga na-observe at pagkatapos buong katalinuhan na paggawa ng mga conclusions. Gaano kaya karaming karanasan, karunungan, pagmamatyag, panonood, at pag-aaral bago makabuo ng isang kasabihan?

Parang tumitingin kayo sa bibingka na may latik. Saan galing ang isang kutsaritang latik? Baka sa dalawang tabong gata. At saan nanggaling ang dalawang tabong gata? Baka sa labindalawang niyog. At saan nanggaling ang labindalawang niyog? Baka sa labindalawang puno ng niyog. At bago naging niyog yun, kinuha pa yung mga nutrients mula sa soil, na-process pa sa photosynthesis ng mga dahon pag tinatamaan ng araw. At pagkatapos inipun-ipon, ang tagal-tagal bago naging buko, bago naging niyog. Pagkatapos bubuksan mo pa ang niyog nang kay hirap-hirap. Kukudkurin mo pa. Tapos pipisa-pisain mo yung gata, lulutuin mo na may mga apuy-apoy pang ilalagay para lang magkaroon ng latik. Kaya ang mga kasabihan ay parang mga latik. Ang lalim, ang dami nang pinanggalingan bago mabuo.

Mahalaga ang mga kasabihan. Nagtatagal ito from generation to generation at nagpapatunay na ito’y totoo. Sapagkat kung hindi ito totoo, hindi babanggitin, hindi bibigkasin, hindi ituturo ng mga matatanda sa mga bata.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.