Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Malachi 3:7
“Ever since the time of your forefathers you have turned away from my decrees and have not kept them. Return to me, and I will return to you,” says the LORD Almighty.

Ganito ang gawi ng tao – lalayo sa Dios at pag makakadama ng mga kung anu-anong sakit, hirap, alalahanin, bagay na wala sa lugar, pagpapalang hindi dumarating, bigla siyang matatauhan, magsisisi at babalik sa Dios. Pagkatapos na muling tumanggap ng pagpapala, makakalimot na naman at magpapaikut-ikot na lang ang kwento. Ang sumbat ng Dios, “Panahon pa ng mga ninuno nyo, ganyan na kayo. Kinakalimutan ninyo ang aking mga utos, tinatalikuran ninyo ang ating mga usapan kaya tuloy napapahamak kayo.” Hindi dapat ganun ang pakikitungo sa Dios. Pero kung magkaganun man, ang puede nating ipagpasalamat, hindi siya nagsasawang magpatawad.

Napakaganda ng pangako ng Dios. At lalo nating mapapahalagahan ang pangakong yan kung naranasan na nating nakipagsira sa kapwa. Nag-away kayong magkasintahan. Naghiwalay kayong mag-asawa. Nagkasamaan kayo ng loob ng kapatid. Nagkagalit kayong magkaibigan At nang gusto na nating makipagbalikan dahil naisip nating mali ang ating nagawa at kailangan natin sila sa ating buhay, mahirap yun. Tayo na ngayon ang nakikiusap pero ayaw na tayong tanggapin. Hindi ka sure kasi hindi mo alam kung mahal ka pa, kung sobra nang nasaktan o nagalit na at ayaw na talaga sayo.

Pero ang Dios lagi tayong mahal kahit tayo hindi kamahal-mahal. There’s a door that is always wide open for us. Lagi nya tayong gustong makasama kahit madalas tayo ang lumalayo sa kanya. Lagi siyang handang makipagbalikan.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.