Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Colossians 1:29
To this end I labor, struggling with all his energy, which so powerfully works in me.

Inililipad ng mahusay na piloto ang eroplano nang mas mataas kapag may bagyo at kumakalug-kalog yung eroplano–above the storm. Saan ba magulo ang buhay? Dun sa ibaba. Pero dun sa taas, tahimik. Ang mga astronaut kapag nasa itaas, nakikita nating lumulutang mag-isa. Payapang-payapa. Kasi pag nandon na, hindi na sila pinu-pull down ng gravity.

Spiritually speaking, alam nyo kung saan talagang payapa? Pag ang taas ng lipad ng ating spiritual life. Sino ba yung laging naguguluhan, laging nalilito, laging nate-tempt, laging nagkakamali? Yung ang baba ng lipad. Kapag mababa ang lipad, natatapak-tapakan tayo. Pero subukan nating tumaas nang konti at makikita nating masarap pala.

After you have been spiritually reborn, maraming hirap sa umpisa. Magtatanggal ka ng mga kulasisi, mga bisyo, mga masamang ugali. Pero pag tinanggal nyo nang tinanggal, makakalampas na kayo doon sa critical level at mamaya, komportable na kayo. “Aba! Nagma-mature na yata ako. Bakit noong araw nate-tempt ako sa ganun, ngayon wala nang appeal? Dati konti lamang na pag-provoke sa akin, aawayin ko na. Ngayon naipagpe-pray ko pa.”

Paano naman kung hindi kayo nagtatanggal at hindi naman kayo sumusunod? Bigla kang nagtake-off. Ten meters pa lang, babangga ka sa mga bahay. Mababa ang lipad. Hindi puede. Kailangan ituloy ang pagtaas.

The challenge is this: Look at what you are now. Keep on striving and allowing the Lord to work in you. Imagine what you can become. Let God re-shape you into his delightful and perfect will. Itaas ang lipad.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.